bc

Raptured By The Waves (TAGALOG)

book_age16+
28
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
independent
comedy
bxg
humorous
lighthearted
female lead
others
coming of age
virgin
like
intro-logo
Blurb

Akala ng lahat ay tatandang dalaga na si Segunda dahil wala pa itong asawa sa edad na bente-siyete nang dumating sa isla ang guwapo at magalang na si Alvaro de la Cerna na siyang magpapabago ng pananaw niya ukol sa pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 TAONG 1970 Ang dagat, mga buhangin, at araw na kulay kahel ay pag-ibig. Ang pagmasdan ang mga ito ay kamahal-mahal at kapana-panabik. Ito ang buhay ni Segunda sa isla. Ang Isla Kalayaan. Mahigit isang-daang taon na nang unang may manirahan sa isla. Iba’t ibang pamilya ang nanatili rito upang gawing hanapbuhay ang pangingisda. Nang mabigyang pansin ng gobyerno ang isla, nagsimula nang lumipat ang mga Villanueva at Soriano—ang dalawang pinakamayaman at makapangyarihan na pamilya sa isla. Malawak ang isla subalit kayang lakarin ang paikot ito. Kadalasan, pangingisda at pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao dahil mataba ang lupa sa gitnang bahagi ng isla. At hindi nakaligtas si Segunda sa tradisyunal na buhay no’n. Hindi siya naging guro, madre, o accountant. Sa hirap ng buhay, bihirang may makayapak sa gano’ng estado. Dalawampung-pitong taong gulang na si Lolitang naniniraha sa mundo nang wala pa ring nobyo o asawa. Gustong-gusto na niyang may karamay sa buhay. Siya na lamang ang natitirang anak ng kanyang mga magulang na nanatili sa isla. Ang panganay ay umalis at nagpadala na lamang ng sulat na hindi na babalik. Ang dalawang bunso ay nagpumilit na makipagsapalaran sa Maynila at nakapag-asawa na lamang. Sa Isla Kalayaan, malaya kang ilabas ang emosyon mo dahil sa payapang alon ng dagat, bugso at sariwang hangin, higit sa lahat ay magagandang tanawin. Ngunit ang mga pangarap ay nananatiling nakakadikit sa ilalim g karagatan. Mahirap makalaya sa tradisyunal na buhay nila maliban na lang kung kasali sa mga mayayamang pamilya. Habang ang kanyang puwitan ay nakalapag sa magaspang na buhangin ng dalampasigan, ang kanyang kaibigang si Margarita ay kalong-kalong ang anim na buwan nitong anak nna si Niyong. Tila napag-iiwanan na nga siya ng panahon dahil ang kaibigan niyang kasa-sama lang niya maligo noon sa dagat ay nagsisimula na ng bagong pamilya. “Aalis na ako. Baka magalit na sa’kin ang asawa ko ‘pag nagkataon. Ayaw no’n na ginagabi ang anak niya,” turan ni Margarita sa kanya. “Aalis ka na agad? Iiwanan mo na naman akong mag-isa rito?” Kunwari ay sumimangot si Segunda sa kaibigan. “Ako ang mayayari ng ama ni Niyong kung hindi. No’ng isang beses na ginabi ako sa bahay n’yo ay nabungangaan ako ng ama nito. Pa’no ba naman kasi nilamig si Niyong at nilagnat? Ikaw kasi!” Sinundot nito ang tagiliran ni Segunda. “Bakit hindi ka pa kasi mag-asawa para may nakakasama ka sa panonood ng paglubog ng araw? Tumatanda ka na, Segunda. Iilang taon na lang ay sasabihan ka na ng mga tao na tatanda kang dalaga. Sa totoo lang, meron na pala. Iyong tindahan malapit sa sakahan. Aba, ang turing ba naman sa’yo ay kaibigan kong matandang dalaga.” Grabe, ang naisip ni Segunda. May mga tao talagang walang magawa at pag-uusapan na lang siya. Ano bang problema ng mga ito kung hindi pa siya ikinakasal? Hindi naman buhay nila ang naapektuhan. “Hindi pa kasi dumarating ‘yung tamang lalaki para sa’kin,” aniya. “Sigurado ka ba d’yan, Segunda. Eh, ‘di ba dalawa ang manliigaw mo. Si Mang Emilio, ‘yung nakapangasawa ng mayaman noong kabataan pa siya tapos sino nga ‘yung may hitsurang lalaki?” “Arturo,” pagbanggit niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa dalampasigan. Nilinis niya ang laylayan ng kanyang palda na nagkaroon ng buhangin. “Masyado nang matanda si Mang Emilio. Ilang taon nang namatay ang mga asawa no’n. Isa pa, maski mga anak no’n ay mas matatanda pa sa’kin. Nakakailang nga sa tuwing makakasalubong ko sila. Si Arturo naman… Mahigit anim na taon ang agwat ko sa kanya.” “Ano naman? Hindi mo ba nababasa ‘yung mga nasa broadsheet na ipinamimigay ng mga nabisita rito sa isla? Age doesn’t matter.” Tiningnan niya ang kaibigan—mukha na nagppaahayag na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “Seryoso ka ba, Beatriz? Alam mo naman na sa islang ito, matatabil ang bunganga ng mga tsismosa. At matitinik ang mga mata nila Kahit anong sabihin mo, huhusgahan pa rin ako ng mga tao. Kahit na anong gawin ko sa buhay ko, mag-asawa o hindi, may masasabi pa rin sila. Kaya hindi na lang ako nakikinig sa bagay na sinasabi nila.” Inisip niya ang ngiti ni Arturo. Sa tuwing maabutan niya itong pababa mula sa bangka kung saan ito nangingisda. Ang mga pangarap nito sa buhay na binabanggit sa tuwing nakasandal sila sa punong mangga sa tapat ng bahay ng binata. “May pangarap pa siya, eh. Alam ko naman na paghanga lang ang nararamdaman niya para sa’kin. Marami pa siyang makikilalang babae d’yan sa paligid na ka-edad at nababagay sa kanya.” “Ang dami mo namang sinabi. O siya, ginagabi na talaga kaming mag-ina at mayayari kami sa asawa ko kung hindi pa kami uuwi.” “Mag-ingat kayo, Beatriz, ha. Ang bata hawakan mong mabuti.” Pinanood ni Segunda na maglakad si Beatriz palayo. Halos kalahating oras din ang lakarin nito pauwi sa kanila. Nang maglaho na ito sa kanyang paningin, bumaling siyang muli sa karagatan. Ang buhay niya. … Ang alikabok ay tila usok sa loob ng kanilang bahay nang makabalik si Segunda. Madilim na ang kapaligiran at nangangamoy tinapa na ang kabuuan ng kanilang bahay. Naabutan niya ang kanyang ina na nagwawalis habang ang ama naman niya ay kumakain nila. Mukhang hindi na siyan aintay ng mga ito. At kakain na naman siyang mag-isa nang walang katuwang. “Saan ka nanggaling?” Ang boses ng kaniyang ina ay hindi galit ngunit mariin. Kapag talaga nakatira sa probinya ay kahit magti-trienta anyos na ay hinihigpitan pa rin ng mga magulang. “Tumambay lang kami ni Beatriz sa dalampasigan, ‘Nay.” “Ah, sige. Saluhan mo na ang tatay mo d’yan. Ang tagal-tagal mo, eh alam mo namang magutumin na ang mga tumatanda.” Umupo si Segunda sa upuan sa tapat ng tatay niya. Naglagay ng kakarampot na kanin at isang pirasong tinapa sa kanyang pinggan. Ang maliit na lagayan ng suka ay inilapit niya kanya. Ang hangin ay naging maasim. “Ang kaibigan mong si Beatriz ay may pamilya na. Samantalang ikaw ay napag-iiwanan,” sabi ng kanyang ama. “Ang mga kapatid mo naman ay walang kabalak-balak na bumalik dito sa isla. Mukhang masaya na sila kung saan man sila. Kinalimutan na ang mga magulang.” Tiningnan siya nito nang diretso sa mata. “Kaya sana kahit magpakasal ka ay dito ka pa rin manatili sa isla. Sa’yo namna mapupunta ang bahay-kubo na ‘to, ha.” Hindi siya nakasagot. Alam niya sa sarili na hinding-hindi niya iiwanan ang mga magulang niya. Mahal na mahal niya ang mga ito pati na rin ang isla mismo dahil ito ang buhay na. “Mahirap na po kasing magtiwala agad sa lalaki. Tingnan mo ang nangyari kay Tiya Julia. Pinatay siya ng lalaking pinakasalan at nakilala niya sa loob ng anim na buwan. Akala niya pag-ibig nga ngunit mawawalan lang pala siya ng buhay.” Pitong taon siya nang mamatay ang kanyang Tiya Julia. Ang nag-alaga at nagturo sa kanya na magsulat at bumasa. Kaya ngayon, nahihirapan siyang magtiwala sa mga lalaki. Mahirap na basta na lang paanurin ang puso patungo sa taong hindi naman mag-aalaga nito. Sana dumating ang panahon kung saan makikilala niya ang lalaking magpaparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. May panahon para sa lahat ng ‘yan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook