8

1050 Words
ELLYZA Napaka-init sa labas kumpara noong nasa loob ako ng ospital, halos masunog na ang balat ko sa sobrang init na humahampas sa akin na dala-dala ng hangin at ng sinag ng araw. Masyadong maraming tao ang nakakasalamuha ko na mga nagmamadali para makapasok sa loob ng ospital, marahil ay lahat sila ay bisita ng kani-kanilang kamag-anak o kaibigan. Hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi naman iyon ang kailangan kong pagtuunan ng aking atensyon. Inayos ko muna ang hibla ng aking mga buhok tsaka ko iyon kinolekta patalikod para itali iyon ng ponytail-style. Gusto ko sanang sumakay na lang ng jeep o tricycle man lang para mapabilis ang aking byahe pauwi kaso wala naman ako dalang pera. Hindi ko naman din sila pwedeng utangan dahil wala naman ako kailala rito at walang nakakakilala sa akin sa lugar na ito. Hindi katulad kapag naroon ako sa area o sa may barangay lang namin, halos lahat ng makasalubong ko ay kilala ako at kung sino ang mga magulang ko pati na rin kung saan ako eksaktong nakatira. Paupahan lang ang bahay namin, buwanan ang renta kaya hindi ko alam kung paano ko rin ito masasabi kay papa dahil dadagdag sa gastusin namin ang aksidenteng naganap kay mama. Hindi naman pwedeng siya lang ang asahan namin dahil iisa lang ang trabaho niya, siya na lang ang kikilos sa lahat ng kakailanganin naming gastusin. Sa pagkain, sa mga bayaring sa ilaw at tubig, pati na rin sa iba pang biils namin at tuition fee. Hindi pa kasali roon ang araw-araw na nagagastos namin. Umihip muna ako ng malalim na hangin tsaka ako nag-unat. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakapagpasya na umalis na sa ospital na iyon, dumarami na rin kasi ang lumalabas-pasok at nakakasagabal na ako sa daraanan nila. Kailangan ko rin magmadaling umuwi at bumalik dito sa ospital na kasama si papa. Mahihirapan ako kung sakaling wala si papa sa bahay kasi nga nagtatrabaho pa siya, kadalasan ay anong oras na siyang nakakauwi sa bahay dahil halos maghapon magdamag ang kanyang trabaho. “Tawagan ko muna kaya siya?” bulong ko sa aking sarili at dali-dali ko namang binunot ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Nang buksan ko iyon ay agad kong hinanap ang pangalan ni papa sa contacts ko para matawagan ko siya. Mas magandang tumawag sa kanya kaysa mag-text kasi minsan ay hindi naman niya nababasa ang mga sine-send naming text sa kanya. Makalipas ang ilang ring ng cellphone ko ay sinagot na rin iyon ni papa. “Napatawag ka, Ellyza?” nagtatakang salubong ni papa sa akin sa kabilang linya. Maingay ang paligid niya at para bang napakaraming nag-uusap doon, nasa loob pa siguro siya ng kanyang opisina kaya medyo mahihirapan akong pakiusapan si papa na umuwi. “Pa…” tawag ko sa kanya. “Bakit? Pakibilisan mo na lang kung may sasabihin ka sa akin. Kung importante, pwede ko namang itigil na muna ang trabaho ko rito at mag-usap na lang muna tayo,” mahinahong sambit ni papa, halatang wala naman siyang problema kung mai-istorbo ko man siya o hindi. Subalit, sa halip na sabihin ko sa kanya ang sitwasyon ni mama ngayon ay nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kabilang linya kaya muli niya akong tinawag. “Ellyza? Ano nangyari sa ‘yo? May sasabihin ka ba o nami-miss mo lang ang Papa?” Naghahanap din kasi ako ng maaari kong sakyan papunta sa bahay habang nasa gitna kami ng call ni papa, kaya hindi ko magawa masyadong mag-focus lang sa usapan namin. Pero, naisipan kong tumambay muna sa gilid kung saan walang nagtatakbuhang mga sasakyan para maipaliwanag ko kay papa ng maayos ang kaganapan dito. “Pa…” mahinang tawag ko muli sa kanya. “Si Mama…” bitin na sabi ko at doon na ako nagsimulang nakaramdam ng pag-iinit ng paligid ng aking mga mata at pakiramdam ko ay bigla na lang akong hahagulgol dito sa kalsada. “Ano nangyari kay Mom? Excuse me lang saglit ah?” tarantang tanong ni papa at narinig ko pa siyang magpaalam sa mga kasamahan niya, marahil ay lumabas muna siya sa kanyang opisina para makausap ako ng masinsinan. “Hello, Ellyza? Ano ang nangyari kay Mom? Bakit gan’yan ka magsalita, umiiyak ka ba? Nasaan ka ba ngayon? Wala ba kayo sa bahay?” sunod-sunod na tanong pa ni papa sa akin. “Si Mama…” pag-uulit ko ng hindi man lang pinapaliwanag kay papa ang buong nangyari. “Si Mama…” tila ba’y nablanko ang aking isipan at iyon na lang ang tanging lumalabas sa aking bibig. Wala na akong ibang maisip pang sabihin kay papa. Hindi naman nawalay si mama sa aming buhay, bakit ganito ang kinikilos ko? Nariyan lang naman si mama sa loob ng ospital. Magiging maayos naman ang operasyon niya, ‘di ba? Wala naman nang mangyayaring mas masama pa sa aksidenteng naganap sa buhay niya, ‘di ba? Gulong-g**o ang aking utak at halos mawalan na ako ng malay, ngunit pilit kong tinitibayan ang aking loob dahil hindi pwedeng dalawa na kami ni mama ang maco-confine sa loob ng ospital na ito. “Ellyza… Kumalma ka muna, okay? Maghihintay lang ako rito hanggang magkaroon ka na ng lakas para sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari at kung nasaan ka ngayon. Parang nasa ibang lugar ka kasi eh, tahimik lang naman sa bahay natin kahit maraming chismosa roon. Pero ngayon, iba ang naririnig ko, mga nagsisigawan at nag-iiyakan…” putol na sabi ni papa kasi napasinghap siya at narinig ko pa rin iyon mula sa tawag. “Huwag mo sabihing nasa ospital ka ngayon, Ellyza?” nababahalang tanong ni papa at mukhang nagkaroon na nga siya ng hinala base sa naririnig niya sa paligid ko. Hindi ko iyon tinanggi, wala man akong sinabi ay nahiwatigan pa rin niyang tama ang hinala niya dahil mas lalong lumakas ang aking paghihikbi. Pilit kong tinatakpan ang sarili kong bibig gamit ang isang kamay ko para hindi sana marinig iyon ni papa pero wala. Masyadong malakas ang pag-iyak ko kaya pati ang mga tao rito ay pinagtitinginan na ako. Hindi naman nila ako pinapansin kasi hindi naman nila ako kilala, karamihan sa kanila ay nilalagpasan lang ako. Sorry, Pa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD