ELLYZA Nang sabihin ni mama ang tungkol sa paglipat ko kung anong mangyayari na sa mga kaibigan at kakilala ko napasip din ako kaya mabuti pa tanungin ko na lang sila kung anong magandang desisyon para sa ganitong sitwasyon. “Gusto ko pong muna marinig ang na sa isip ninyo para makapag desisyon ako ng maayos.” Tingin ko ng seryoso kala mama pati na kay Jeremiah na nasa tabi ko. Nag tinginan sila ni papa habang nakingiti na para bang may koneksyon na sa sasabihin nila matapos nilang mag tinginan. “Kung pahihingi ng payo ang gusto mong marinig sa amin sa ganyang opportunity na dumating sayo, hindi kami tutol dahil makakabuti sayo ang maging scholar sa gusto mong school,” ani papa sabay tingin kay Jeremiah. “Pinagkakatiwalaan naman namin si Jeremiah para sayo kaya wala rin kaming problema.”

