ELLYZA Nakatapos na ako sa principal ng aming school at nakadaan na rin ako sa teacher’s office para magpaalam na rin sa kanila. Ang kaso nga lang ay wala na ‘yung letter sana na ipapakita ko rin sa kanila kasi naibigay ko na iyon sa principal namin, tsaka wala naman din akong extra copy para sana sa kanilang lahat. Hindi naman din siguro ako malaking kawalan sa school na ‘to dahil marami naman din ang matatalino rito bukod sa akin, sadyang wala lang talagang nakakatalo sa akin pagdating sa mga examination at quizzes dahil lahat ay nape-perfect ko. Sa mga oras na ito ay pabalik na ako sa classroom kahit pa hindi pa naman ako nakakapasok doon mula pa kaninang nakarating ako sa school. Agad akong napuno ng pagtataka sa aking isipan nang masilayan kong nakasarado ng todo ang mga pinto niyon

