ELLYZA Makalipas ang ilang minuto ay nakaraos din kami nina mama at papa sa aming agahan. Akma na akong lalabas ng aming bahay subalit naramdaman ko ang kamay ni mama na kumapit sa braso ko. “Yzza,” tawag niya sa akin kaya’t wala na akong ibang nagawa pa kundi ang lumingon sa kanya upang malaman ko kung ano pa ba ang kailangan niya o nila. “Nakalimutan mo ilagay sa bag mo ‘yung letter. Kailangan mo na ‘yun maipakita sa principal mo ngayon at pati na rin sa mga teacher mo. Hindi ka pwedeng basta-basta na lang maglaho sa school na ‘yun ng hindi man lang nagbibigay ng letter na may kasamang paliwanag mo,” sabi ni mama sa akin tsaka niya tinuro ang direksyon kung saan naroroon ang aking kwarto. “Kuhanin mo na muna bago ka umalis para hindi ka na magpabalik-balik pa sa school mamayang uwian ni

