ELLYZA Matapos namin magkaayos ni Jeremiah ay hinayaan na lang niya akong sumama kay Toph para ihatid ako sa bahay nila Reona, dahil katulad nga nung kay Kris ay ayaw ko rin malaman niya kung saan ako nakatira. Lilipat naman na rin ako at ayaw kong ipahamak ang mga magulang ko kung sakaling hindi pala sila mabubuting tao, hindi naman sa maarte ako or what, sadyang hindi lang ako masyadong matiwala sa mga tao sa panahong ito. Nung binaba na ako ni Toph sa bahay ni Reona ay umalis naman na rin siya agad dahil wala naman na siyang ibang magagawa pa kundi ang bumalik na lang din sa tinitirhan niya. Hindi naman na ako pumasyal pa sa bahay ni Reona, tatawag na lang ako sa kanya mamaya kapag nakauwi na ako sa amin. Mukhang nawala naman na rin sa isip niya ang sinabi niyang tatawagan niya ako pag

