81

1120 Words

ELLYZA Sa dinami-rami ng pwedeng gawin ni Toph, bakit naman itulak pa ako kay Jeremiah ang naisipan niyang gawin? Hindi na lang siya nagsabi sa akin na lumapit ako kay Jeremiah para naman hindi ganitong nakakahiya ‘di ba? Gumagawa pa kami ng eksena eh, kanina pa kami pinagtitinginan nung mga kasamahan niya at nahagip na rin ng paningin ko si Kris kaya dali-dali siyang lumapit sa aming dalawa ni Jeremiah. Ayos naman kaming tatlo basta’t hindi siya literal na lalapit pa muli sa akin. “Pwede mo naman na akong bitawan, Ellyza. Masyado ka nang nage-enjoy,” mariing sambit ni Jeremiah sa akin. Ni hindi man lang niya ako yinakap pabalik katulad ng inaasahan ko. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya ay iyon ang una niyang gagawin kung sakaling ako ang maunang yumakap sa kanya, aksidente man o hindi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD