ELLYZA Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Toph ngayon, kung si Jeremiah nga ay hindi ko masuyo… si Toph pa kaya na broken hearted? Pinilit ko na lang na magkunwaring wala akong narinig para hindi na siya maiyak pa, baka mamaya ay maabutan pa kami ni Jeremiah rito o worse kung darating bigla si Erika sa ganitong eksena. Tumuloy na lang ako sa gate at tsaka ko nilabas ang visitor's pass ko upang isuot muli iyon sa aking leeg. Nag-scan lang sa akin ang parang laser na kulay pula at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakapasok ako sa loob ng school, kahit pa wala akong kasamang nag-aaral dito. Marahil ay nakilala na nila ang pagmumukha ko o sadyang nalalapit na lang din kasi ang araw ng paglipat ko rito. Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong nakaawang a

