ELLYZA Nang marinig ko na ang mga sagot nina mama at papa ay agad akong nagpaalam sa kanilang lumabas na muna kaya’t sumama na rin sa akin si Reona dahil wala naman siyang gagawin sa loob ng aming bahay. Muli kong kinuha ang cellphone ko para tawagan uli si Jeremiah at katulad kanina ay hindi naman nagtagal ang ilang segundo at agad din niya iyon sinagot. “Hello, Gem? Sorry kung napatawag uli ako. Busy ka ba ngayon?” dali-dali kong tanong sa kanya. “Hello future ko,” bati na muna niya sa akin bago niya sinagot ang tanong ko. “Medyo busy pa ako sa team namin eh, nasa court pa nga ako ngayon. Nagpa-practice kami pero naramdaman ko agad ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya umalis agad ako sa practice kasi alam kong ikaw ang tumatawag sa akin. Hindi ko nga inaalis sa bulsa ko ‘yung cellphone

