ELLYZA Halos abutin na kami ng isang oras sa byahe papunta sa school na aking lilipatan, mabuti na lang at hindi ako ang kumokontrol sa bike at nakayakap lang ako kay Jeremiah, kasi kung sakaling ako ang nagpe-pedal, sigurado akong hindi pa kami nakakalayo sa lugar namin ay susuko na agad ako. Nang makarating na kami sa tapat ng isang malaking gate ay hindi pa ako napapabitaw kay Jeremiah kasi masyado akong namamangha sa aking nasisilayan. Napapatulala na lang ako hanggang sa si Jeremiah na ang nagkusang mag-alis ng mga braso ko na siyang nakapalupot sa kanyang tiyan. “Baba na tayo, ibabalik pa muna natin ‘tong mga bike na ‘to bago pa tayo mahuli na dalawa ang inilabas ko,” pagmamadaling ani Jeremiah kaya bumaba na rin ako agad mula sa bike dahil ayaw ko rin naman siya mapahamak dahil lan

