ELLYZA Nang marating na namin ang harapang gate ay ini-scan muli kami ni Reona nang hindi ko malaman kung sino ang may kagagawan nito sa likod. Basta-basta na lang kami inii-scan ng wala man lang pasabi, baka mamaya eh kung ano na pala ang nakikita nila kapag dumaraan ‘yung laser na ‘yun. Pero anyway, nakapasok naman na kaming tatlo sa ewan ko kung ano ang tawag. Masyado akong nalulula sa rami ng tao sa loob… sa labas ng mga condominium. Para silang mga langgam na nagsisipagkalat lang sa lansangan. May mga mukhang estudyante na nakabihis lang ng kani-kanilang pangbahay na damit kung saan ay komportable sila. May mga nakikita rin naman akong mga nakasuot pa ng kani-kanilang mga uniporme na kagaya ng suot ni Jeremiah. Kapag nag-umpisa na rin akong mag-aral dito ay alam kong magiging parehas

