ELLYZA Nang itinapat sa amin ni Miss Carina ang laptop niya ay roon ko nakita ang mga disenyo ng isang kwarto sa loob ng Tower 1. Wala naman daw iyon pinagkaiba sa kahit na kaninong room, maliban na lang daw kung maisipan ng nakatira roon na estudyante na bumili ng kung anu-anong mga bagay na gusto nilang idagdag sa kani-kanilang mga kwarto. “Hindi po ba kami pwedeng dumiretso sa isang bakanteng room para mabisita namin ng personal? Hanggang picture lang po ba ang pwede tingnan?” usisa ko kay Miss Carina. Daki-daling umiling si Miss Carina. “Pasensya na kayo ha? Kahit na gustuhin ko mang i-tour ko na lang kayo sa kwarto na pwede niyong tingnan ay hindi ko iyon maaaring gawin, isa iyon sa i***********l sa aming mga trabaho bilang receptionist. Hangga’t hindi pa kayo estudyante sa paaralan

