[Claire's POV:] "Besh kumusta na si Mr. Chairman?" nag-aalalang tanong ni Celine habang kumakain kami ng lunch dito sa pantry. It's been five days simula nang maospital si lolo at sobrang dami na ng nangyari sa pamilya namin. Nakulong si Lucas, Liam hated his mom even more while lolo is still in the hospital at hindi manlang nito maidilat ang kanyang mga mata. He's been sleeping for days. "He's still in coma. Hanggang ngayon hindi parin masabi ng mga doktor kung kailan siya magigising," malungkot na sagot ko. Celine reached for my hands, "Magiging okay din ang lahat Claire. Magigising din si Mr. Chairman." "I'm not sure Celine. Dahil parang palala nang palala ang mga nangyayari sa pamilya namin. Pinipilit kong maging matatag para kay Liam at sa mga anak namin pero hindi ko maiwasang m

