[Liam's POV:] Hindi ko man gustong mapuyat sa pagbabantay si Claire sa ospital ay wala akong magawa dahil magagalit ito sa'kin kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. "Kevin, pumunta kayo ni Rio sa ospital at samahan niyo si ma'am Claire niyo. Be sure to keep her safe," utos ko kayna Kevin at Rio pagkarating ko dito sa mansion. "Opo boss!" sagot ni Rio. "Masusunod po boss!" sambit naman ni Kevin at talagang nagsalute pa ito. "Sige na umalis na kayo." "Opo!" magkasabay na sagot nila at sabay din silang umalis. "Boss, ichecheck ko po ang mga tauhan natin na nagbabantay sa labas," paalam naman ni Patrick. Tumango lang ako bago ako tuluyang naglakad paakyat sa hagdan. Pupuntahan ko muna si Caden, at baka naghihintay na 'yon sa'min ng mommy niya. "Good evening po sir!" bati sa'kin

