[Claire's POV:] Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magising si lolo. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat sa pamilya namin. Bagamat medyo nahihirapan paring maglakad si lolo na walang walker ay masaya parin kami dahil bumubuti na ang lagay nito at nakauwi na rin ito sa kanyang mansyon. Gusto nga sana namin ni Liam na sa bahay na muna siya hanggang sa tuluyan na siyang makalakad pero tumanggi ito. Mas gusto niya raw umuwi sa mansyon niya dahil namiss na niya ito. Naroon naman daw si James para alagaan siya kaya hindi raw kami dapat mag-alala. Kasalukuyan akong nagluluto ng tanghalian naming mag-anak. Weekend kasi ngayon kaya pareho kaming walang trabaho ni Liam. Naisipan kong magluto para kahit papa'no ay maiparamdam ko naman sa pamilya ko na mahal ko sila. Nitong nakar

