[Claire's POV:] "Huy gaga, ano 'yon? Ba't parang natameme ka kay Kevin?" pang-aasar ko kay Celine habang nakaupo kami dito sa garden. Pagkatapos kasi naming kumain ng tanghalian ay inaya ko siya na magpunta dito para sa Q&A portion niya. HAHAHA "Anong pinagsasabi mo? Sinong Kevin ba?" pagmamaang-maangan niya. "Sus, maang-maangan lang te?" Natawa nalang ako sa kanya. "Sino nga kasi 'yang sinasabi mong Kevin?" Maang-maangan pero namumula naman ang mukha. "Hindi bagay sa'yo mag maang-maangan girl. 'Di ka papasa, masyado kang obvious," saad ko sabay tawa. "Oo na! Ang guwapo naman kasi ng tauhan ni Liam shems! Yieeeh kinikilig ako!" Hindi na nga talaga nito napigilan ang kanyang sarili at nagtitili pa talaga. "Kita mo na? I know you girl! Kahit si Caden na bata pa nakahalata sa'yo, ak

