[Third Person's POV:] "May bisita ka Caldwell," saad ng isang pulis. Nag-angat ng tingin si Lucas na kasalukuyang nakasandal sa bakal na rehas ng kanyang selda. 'Sino naman kaya ang bibisita sa'kin sa mga oras na 'to?' naitanong nito sa kanyang sarili. Masyado pa kasing maaga at hindi pa oras ng dalaw sa kulungan. Pero para makadalaw ito sa kanya ng alas-sais ng umaga ay masasabi niyang maimpluwensiya ang taong ito. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi niya pinansin ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng mga kapwa niya preso at ang pagbubulongan ng mga ito. Pagkalabas niya ng selda ay doon palang bumalik sa normal ang kanyang paghinga. Pakiramdam niya kasi masyadong masikip ang selda at hindi niya magawang huminga nang maayos sa loob. Ni minsan ay hindi niya inakalang darating ang araw

