[Claire's POV] Hindi ako mapakali, walang humpay ang kabang aking nararamdaman. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong hininga habang naglalakad ako nang pabalik-balik sa sala. "Ma'am huminahon po kayo," pagpapakalma sa'kin ni Patrick. Narito silang tatlo nina Rio at Kevin sa loob ng bahay at pinipigilan akong lumabas para sundan ang amo nila. "Pa'no ako hihinahon kung parang tigre na handang pumatay 'yong amo niyo sa galit?" naiinis na tanong ko sa kanya. Napayuko nalang ito at hindi na umimik. Maging sina Rio at Kevin ay nanahimik nalang sa isang tabi. "Palabasin niyo 'ko dito!" may diing utos ko sa kanila. "Pasensiya na po talaga kayo ma'am hindi po namin puwedeng suwayin si Sir Liam." Malungkot na tumingin sa'kin si Rio. Hayst bakit ko nga ba nakalimutan na si Lia

