[Liam's POV:] Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Claire kagabi ay buo na talaga ang loob ko na isuko ang pagiging CEO ng HIC Malls. Hindi ko gustong gawin akong parang robot na kinokontrol ni lolo. Kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa main building ng HIC Group kung saan nag-oopisina si lolo. Bitbit ko ang letter of resignation ko na ipipresenta ko sa board members ng HIC Malls to formally announce my departure from the company my father built for years. Pero bago ko ito ipresenta sa board ay kailangan muna itong mapirmahan ni lolo. Pagdating ko sa parking lot ay agad kong pinark ang sasakyan ko. Tapos ay nagmamadali akong bumaba para mapuntahan ko agad si lolo. "Good afternoon po sir Liam!" "Hello po sir Liam," bati sa'kin ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Nagpatuloy l

