[Lucas' POV:] "Boss pumasok na po si Dra. Villashne." 'Di ko mapigilang mapangiti sa balitang dala ni Jerson. Sa wakas ay makikita ko na ulit si Claire. Agad akong tumayo sa aking upuan at nagmamadali kong tinungo ang building ng OPD. Pagkapasok ko ay bumungad sa'kin ang dami ng mga pasyenteng nakapila sa labas ng iba't-ibang clinic. Bumabati naman sa'kin ang ilang mga nurse at doktor na nakakasalubong ko. Pero hindi ko sila pinansin dahil mas mahalaga sa'kin ngayon na makita si Claire. Ilang linggo ko rin kasi itong hindi nakita. Namimiss ko na silang dalawa ni Caden. Pagdating ko sa opisina niya ay ang assistant nito na si Mika agad ang bumungad sa'kin. "Sir Lucas, wala po dito si doktora. May pasyente po siyang nanganganak sa delivery room. Balikan niyo nalang po mamaya," sambit n

