[Liam's POV:] Mag-aalas dyes na ng gabi pero nasa opisina parin ako at iniisip ang sinabi sa'kin ni lolo. Ilang ulit na ring tumawag sa'kin si Claire pero hindi ko ito sinasagot. Siguro ay nag-aalala na ito dahil gabi na pero hindi parin ako nakakauwi. "Boss, tumawag na po sa'kin si ma'am Claire hinahanap kayo. Ba't 'di niyo po sinasagot ang tawag niya?" sambit ni Patrick pagkapasok nito aa opisina ko. Napabuntong hininga nalang ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Kung dapat ko bang sabihin kay Claire ang tungkol sa pagpapapili sa'kin ni lolo. "Daanan natin si mommy bago tayo umuwi." Nanlaki ang mata ni Patrick dahil sa sinabi ko. Marahil ay hindi niya inaasahang sasabihin ko iyon dahil sa galit ko kay mommy. Pero sa mga oras na ito I need to talk to her. I know

