[Claire's POV:] Iminulat ko ang aking mga mata, agad na bumungad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Liam. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya. Agad na napahawak ako sa tiyan ko dahil bigla kong naalala ang nangyari. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman kong naroon parin ang maliit na umbok nito. "Liam ang baby natin? Anong sabi ng doktor? Si Caden?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Sabi ng doktor okay lang ang baby natin sa tiyan mo. Pero kailangan mo paring maging maingat dahil humina ang kapit niya. Si Caden naman, he's with his psychiatrist may schedule siya ngayon ng counseling." Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi ni Liam. Gusto kong maging masaya na ligtas ang anak ko sa aking sinapupunan, pero hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na malung

