[Third Person's POV:] "Bro!" Humahangos na tumakbo papasok ng mansyon nina Liam at Claire si Flynn. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Liam. "What happened? May balita ka na ba? Alam mo na kung asa'n si Lucas?" agad na tanong ni Liam sa kanya. "Oo," sagot nito na nagbigay ng pag-asa kay Liam. Sa wakas ay mahahanap na rin si Lucas. Mabuti nalang at humingi siya ng tulong kay Flynn, madami kasi itong kilala na mga private investigators. "Liam may problema tayo!" Humahangos na pumasok naman si Carlisle Villashne, ang Daddy ni Claire. "What happened Dad?" Napabuntong hininga si Liam, ang buong akala niya ay magandang balita lang ang matatanggap niya sa araw na ito. Subalit may masamang balita pa pala. "Si Claire, nagpaalam siya sa'kin na may bibilhin lang sa convenience store per

