[Claire's POV:] Buong gabi akong hindi nakatulog dahil hindi mawala sa isip ko ang anak ko. Sobrang nag-aalala ako sa kalagayan niya. Hindi parin maalis sa isip ko ang takot na baka saktan siya ni Lucas. Sina Liam at Daddy naman ay magdamag lang sa sala at nakikipag-usap sa mga pulis. Habang si Lolo Henry naman ay pinauwi na muna ni Liam para makapagpahinga ito. Hindi ko magawang sabihin sa kanila na tumawag sa'kin si Lucas dahil natatakot ako na baka ito pa ang ikapahamak ng anak ko. Bumangon ako sa kama at tiningnan ko ang oras. Alas-singko na pala ng umaga at hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakaramdam ng antok. Napagdesisyonan ko nalang na maligo at magtungo sa lokasyon na isinend sa'kin ni Lucas. Sa takot na baka saktan ni Lucas ang anak ko kapag natagalan ako ay minadali ko

