[Claire's POV:] Gabi na at nakauwi na kami ni Liam sa bahay pero hanggang ngayon ay wala parin kaming balita kay Caden. Hindi parin mahanap ang location ni Lucas maging ang mga tauhan nito. Nagtanong-tanong na din ang mga pulis sa East Medical Center pero wala daw nakakita kay Lucas doon. Maging sa condo nito ay wala ding tao, at ayon sa guwardiya ay hindi daw nila nakitang umuwi don si Lucas. "Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Lucas kapag may nangyaring masama sa apo ko!" galit na wika ni Lolo Henry. Nasa bahay sila ngayon ni Daddy dahil hindi rin sila mapalagay hanggat hindi naililigtas si Caden. "Lolo, kumalma po kayo," pagpapakalma ko sa kanya. Baka kasi atakihin na naman siya ng sakit niya. "Oo nga balae, kumalma ka. Huwag kang mag-alala naniniwala akong mahahanap din natin

