[Claire's POV:] Malapit na maglunch kaya inaayos ko na ang lunch na hinanda ko para sa'min nina Liam at Caden. Aakyat ako sa opisina niya sa 15th floor para sabay kaming maglunch. "Ma'am samahan ko na po ba kayo?" tanong ni Mika nang makita niya akong nag-aayos na ng lunchbox. Chinecheck ko kung nadala ko ba lahat ng dapat kong dalhin. Baka kasi naiiwan ko 'yong iba sa bahay. Ako mismo ang nagluto ng lunch naming mag-asawa ngayon, at pupunta din si Caden dito sa opisina pagkatapos ng klase nila. Sabay-sabay kaming maglalunch. "No need Mika, just do your things ako na ang bahalang magdala ng mga ito sa opisina ni Sir Liam mo," sagot ko sa kanya. Alam ko kasi na pagod siya nitong nakaraan kasi nagkasakit ang mommy niya. 'Yon din ang dahilan kung bakit wala siya sa birthday party ni Cade

