[Lucas' POV:] "Boss ano nang plano mo? Mukhang mahihirapan tayong kidnapin si Caden. Bantay-sarado eh," wika ni Jerson habang pinagmamasdan namin si Caden mula dito sa loob ng aking sasakyan. Alas-otso palang ng umaga at papasok palang ito sa building ng kanyang bagong eskuwelahan. Matapos kasing magkabalikan nina Claire at Liam ay inilipat na rin nila ng paaralan si Caden para tuluyan itong mailayo sa'kin. Alam kasi nila na pag-aari ko ang dating eskuwelahan na pinapasukan nito. "Let's just wait for the perfect timing," sagot ko. Hindi puwedeng hindi matuloy ang plano ko. Si Caden ang gagamitin kong instrumento para bumalik sa'kin si Claire. "Sige boss, maman-manan ko ang mga bantay. Hahanap ako ng tiyempo para makalapit kayo kay Caden," saad nito. "Siguraduhin mong hindi ka nila mak

