[Claire's POV:] Palipat-lipat ang tingin ko kayna Liam at Flynn. Hindi ako makapaniwalang itong si Liam ay marunong din palang makipagkaibigan. "Ikaw si Claire diba?" nakangiting tanong sa'kin ni Flynn. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya. "No wonder, Liam went crazy nong umalis ka. You are so beautiful," wika nito habang nakatingin sa'kin. "Don't you dare look at my wife like that Flynn!" May tono ng pagbabanta sa boses ni Liam. Mabilis nitong hinapit ang aking bewang, jusme umiral na naman ang pagkapossessive ng lalaking ito. "Relax bro. Ang possessive mo naman masyado. Bawal na ba tingnan ang asawa mo? Grabe ka talaga!" natatawang sagot ni Flynn sa kanya. "I don't trust you," sambit ni Liam sabay tingin nang masama sa kaibigan. "Hay naku! Ewan ko sa inyong dalawa.

