[Claire's POV:] Napuno ang gabi ng masasayang tawanan ng mga batang nag-eenjoy sa mga magic tricks ng mascot na kinuha namin ni Liam para magperform sa birthday ni Caden. Ang ibang mga bata naman ay abala sa pagpapakuha ng pictures sa photo booth at may iba namang nagpapaguhit ng mga paborito nilang cartoon characters sa kanilang mga mukha at braso. At ang pinakamasaya sa lahat ay ang aming anak ni Liam na tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang kanyang mga bisita. "Ma'am Claire, maraming salamat po sa pag-imbita niyo sa mga bata sa orphanage," pagpapasalamat sa'kin ng head ng orphanage na inimbitahan namin ni Liam para dumalo sa birthday party ng anak namin. "Walang anuman po iyon Miss Oliv, masaya ako na makitang masaya ang mga bata. At mukhang ganun din ang anak ko, kita mo naman kung

