[Claire's POV:] "Mom did you cook our breakfast today?" tanong ni Caden habang kumakain kami. Napatingin ako kay Liam na tila may parehong tanong sa kanyang isipan base sa klase ng tingin na ipinupukol nito sa'kin. "Hehe, ano kasi anak nalate ng gising si mommy kaya sina ate Abby mo nalang ang nagluto ng breakfast." Nagtaas ng isang kilay si Liam dahil sa sagot ko sa anak namin. Jusme parang hindi yata siya naniniwala sa palusot ko sa anak namin. Pero medyo totoo naman kasi 'yon, pagbaba ko ay nagsisimula na naman talagang magluto sina Abby. Kaya lang ang totoong dahilan talaga kung bakit hindi na ako nakapagluto ay naipit ako sa pakikipagchismisan. "Kaya pala." "Kaya pala ano anak?" Na curious ako sa pasuspense ng anak ko. "Kaya po pala iba ang lasa ng pancake. The last time you mad

