[Lucas' POV:] "Boss, bumaba na po si sir Liam sa posisyon niya bilang CEO." Nahampas ko ang mesa dahil sa sinabing iyon ni Jerson. Pagdating na pagdating ko dito sa aking opisina ay ito agad ang balitang bumungad sa'kin. Hindi ako makapaniwalang pinili niya talaga si Claire. "Anong plano niyo? Mukhang hindi niya po talaga isusuko si Miss Claire," muling sambit ni Jerson. "Anong balita sa resignation ni Claire?" Hindi ako papayag na tuluyang mawala si Claire sa buhay ko. "Inapbrobahan po ng HR. Si sir Liam po kasi mismo ang pumunta." Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa sagot nito. "Anong karapatan nilang magdesisyon? Ako ang may-ari ng ospital na ito! Kapag hindi ko inaprobahan ibig sabihin hindi ako pumapayag at kailangan nila iyong irespeto!" galit na sigaw ko. "Boss nagbant

