[Claire's POV:] Masayang sinalubong ako ni Celine at ng mga dati kong katrabaho sa HIC Apparel. "OMG girl I'm happy na nakabalik ka na! At ikaw pa ang naging director ng HIC Apparel, deserve na deserve mo talaga ito girl!" masayang wika ni Celine. Nagtatalon at pumapalakpak pa talaga ito na parang bata. "Oo nga Claire, or should I say Miss Claire." Natawa ako sa sinabi ng isa pa naming katrabaho. Hindi ko talaga inaasahang makakabalik ako at makakatrabaho ko sila ulit. "Masaya akong makatrabaho kayong muli," nakangiting sambit ko sa kanila. Napako ang tingin ko sa table ni Jessica. Naalala ko na naman ang kaibigan kong iyon, masaya na sana dahil mabubuo na kaming tatlo dahil sa pagbabalik ko pero hindi lubos ang kasiyahan ko dahil hindi namin siya makakasama. "Namiss mo si Jessica?

