Chapter 19

1874 Words
Nakangiti kong sinulat ang date kagabi sa sticky note at idinikit ko iyon sa gilid ng desktop ko. Hindi ko alam pero iyon ang isa sa masayang araw na naranasan ko. Kasi bukod sa naranasan ko ang mag suot ng mamahaling damit, ngayon ko lang din naranasang kumain sa mamahaling restaurant at ang kasama ko pa ay ang boss ko Nakakatuwang isipin na hindi lang ang mga kaibigan ko ang nagpapahalaga sakin, meron pa pala. At sobra akong natouch sa ginawa nila sir Ashton sakin. Sobra sobra ang ginawa nilang pakikiramay to the point na gumawa din sila ng paraan para mapagaan ang loob ko At dahil don, sobrang thankful ako. Isa sa mga mahahalagang araw iyon para sakin Nakangiti pa din ako habang nagtatrabaho, hindi lang kasi sina sir Ashton ang nagpakita ng malasakit sakin ngayon dahil sa pinag dadaanan ko. Pati ang mga kaibigan ko. Nakakataba ng puso Kinuha ko ang baso ng kape ko at sinilip pa saglit sa window glass si sir Ashton, pero wala pa ito. Hmm late ata? Mag kakape nalang muna ako Habang naglalakad, napansin kong nakabukas ng konti ang pintuan ng IT room, kaya napasilip ako. May itatanong nga din pala ako kay Mark Nagulat ako ng makita si Axel sa harap nang pc ng IT. Bakit nandyan sya? Ano ginagawa nya dito? IT na din ba sya? Pero alam ko bawal ang hindi IT sa ibang department ah. Bakit ganun? Napakunot ang noo ko at nagpa lingon lingon pa sa paligid Tumakbo ako palapit kay Jaq at hinila sya sa may bandang Emergency Exit "Bakla! Si Axel nasa IT room, diba bawal ang ibang department don?" bulong ko sakanya Napakunot ang noo nya "Hindi lang yan ang unang araw na nakita ko yan dyan!" aniya Nagulat ako "Hoy bakit di mo sinasabi?" sagot ko "Eh nagmamasid pa ako eh, kala ko nagkakataon lang. Pero napapansin ko na pumapasok sya dyan pag walang tao" sagot nya pa Nanlaki ang mata ko, pinalo ko sya ng mahina "Uy, dapat sinasabi mo agad sakin yun. Para matanong ko yan sakanya" sagot ko "Tapos isa pa, nakikita ko na may dala dala syang flash drive pag papasok sya ng IT room, palingon lingon pa sya" sabi pa ni Jaq "Hala! Bakit di mo agad sinabi, jusko may ginagawa yang something!" sagot ko pa Tumakbo ako pabalik sa pwesto ko at nag search about sa pwedeng makuha sa IT room Mga information diba? Nanlaki ang mata ko nang maalala yung nangyari noon nung nasa ibang bansa kami, na-hack ang ilan sa mga confidential information about sa company, tapos si Axel lang ang nakatulong sa pagtigil ng leak! Mukhang may kinalaman din sya don! Napatingin ako bigla sa pwesto ni Axel at nakita sya dong nakayuko habang nagtatrabaho. Baka iba tinatrabaho nya! Napatingin ako sa mga tambak na papel sa gilid ko at nakaisip ng idea para mag buy time at ma-inspect ko pa kung ano talagang pinaplano nito Binuhat ko ang mga tambak at dumiretsyo sa pwesto ni Axel "Ano ginagawa mo?" mataray kong tanong Napalingon sya bigla at parang nataranta ng lumapit ako "Yung ibang reports, bakit?" sagot nya ng hindi tumitingin sakin "Patulong naman, marami lang din ako tatapusin" sagot ko at binaba ko ang mga papel na puro reports ni sir Ashton Tumalikod na ako pero napatigil ako ng tanungin nya ko "Kailan kailangan to?" sagot nya Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin "Bukas" sagot ko At bumalik na ako sa pwesto ko. Nitong mga nakaraan napapansin kong medyo tahimik sya at aligaga, hindi sya makausap ng matagal. Laging nag mamadali. Akala mo ang daming trabaho, eh hindi naman end of the month ngayon. Tuwing end of the month lang naman kami sobrang busy dahil madaming reports need ni sir Ashton Sinilip ko pa sya sa pwesto nya pero nakayuko pa din ito at siguro, siguro sinisimulan na nya ang pinapagawa ko Nilabas ko ang notebook ko at nilista ang mga bagay na dapat iresearch about sa lalaking ito Hindi ko pa sya talagang kilala, at ito na talaga ang pagkakataon na hanapan ko ng patunay ang matagal ko ng nakukutuban. Sinasabi ko na, hindi basta ang nararamdaman ko Malapit na ang mag uwian, kaya nag ayos na ako at niligpit ang mga gamit ko. Nakita ko pa ang sticky note na nalaglag sa gilid ko, kaya dinikit ko uli ito sa gilid ng PC ko Huminga ako ng malalim Hindi ko hahayaang masira ang company ni sir Shawn. Kasama na nya ako mula ng magsimula ito hanggang ngayong lumaki at gumanda ito Tumayo na ako at akma ng lalabas ng office ng makasabay si Axel "Natapos mo na pinapagawa ko?" tanong ko Umiling sya "Konti nalang, kaya ko na yun tomorrow morning" aniya Hindi maalis alis sa isip ko lahat ng nalaman ko ngayong araw, kaya di na ko magpapaligoy ligoy pa "Ano ginagawa mo sa IT room?" tanong ko ng makasakay kami ng elevator Sakto kaming dalawa lang sa elevator ngayon "Huh? Kailan?" sagot nya Napataas ang kilay ko "Kanina" sagot ko Huminga ito ng malalim at nilingon ako "May pinagawa lang si Mark, nagpatulong" sagot nito "Nagpatulong sa?" "Application, may gusto syang iinstall na bagong app sa laptop" sagot nito "Yun lang? Diba IT sya? Kaya nya na yun diba?" sagot ko pa "Madami pa syang pinagawa, nagpatulong sya eh, ano magagawa ko" sagot nito at naglakad na palabas ng building Wow, suplado??? Ano meron?! Lalo mo lang pinalala ang pag iisip ko, magkatapat lang kami ng tinutuluyan pero sa ibang way sya dumaan? Ano may alam syang ibang shortcut pauwi samin?? Humanda ka talaga, Axel! Malalaman ko din kung anong mga pinaplano mo _____ Ilang araw na syang absent at nakakapagtaka talaga kasi after nung araw na tinanong ko sya, sunod sunod na ang absent nya Lumapit ako sa table nya at dahan dahang inilibot ang mata sa table nya Baka may makikita akong something dito Pero wala, sobrang linis ng table nito at pati laptop nya ay dala dala nya. Dahan dahan ko ding binuksan ang drawer nya Pero wala itong laman "Hoy! Anong ginagawa mo" sigaw ni Jaq "Shhh! Wag ka maingay!" bulong ko Hinila ko ito papunta sa table ko at don kami naupo "Ilang araw na sya absent, di ka ba napapaisip?" sagot ko "Napapaisip. Pero hahayaan na kitang mag investigate. Pag dalawa pa tayo, lalo lang tayo nyang mahahalata" Sagot nya "Oo nga eh, saka ilang araw na ding hindi nag rereport sa office si sir Ashton. Nasa out of town pa ata" sagot ko "Ay, Oo! Parang kasama nya si Miho" sagot nito Natigilan ako at napasilip uli sa office ng boss ko Kaya pala ilang linggo na syang wala, kasama pala nya si Miss Miho, ano kayang ginagawa nila? Honeymoon??? "Oh sya, dyan ka na. Madami pa kong gagawin" paalam nito Hindi na ako nakasagot dahil natulala na ako sa narinig ko Alam kaya ni sir Ashton ang nangyayari ngayon dito sa office nya? Alam kaya nya na may masamang binabalak si Axel at mukhang planong sirain ang kumpanya?? Hindi ko maiwasang mapaisip kung anong magiging reaksyon ni sir Ashton once malaman nya ang nakita ko at pinag gagagawa ni Axel Kailangan ko lang ng matibay na patunay "Miss Paris, may nag hahanap po sainyo sa lobby" Napalingon ako kay Kim na nasa gilid lang ng tabke ko "Sino daw?" tanong ko pa Nagkibit balikat lang ito at agad naman akong tumakbo para alamin kung sino ang bisita Baka isa sa mga partners ni sir Ashton, ipapa resched ko nalang siguro ang meeting nya pag nagkataon Napataas ang kilay ko nang makita si Selene sa lobby pagkababa ko ng elevator Ano ginagawa nito dito?? "I want to talk to you in a minute" mataray nitong sabi Naglakad sya papasok sa isa sa meeting room dito sa lobby at agad na sinara ang pinto pagkapasok ko "Ano pong meron?" medyo may tono kong tanong Umupo ako sa harap nya at napangiwi ng makitang feel na feel nya ang pag nguya nya ng bubble gum "Ano meron sa inyo ni Ashton??" Napataas ang kilay ko "Boss ko sya, secretary nya ko" sagot ko "Pft. Wag ka nga magsinungaling, halata namang may something sa inyong dalawa! Akala mo ata hindi ko napapansin yon?!" mataray nitong sagot Nanlaki ang mata ko sa mga naririnig ko. Totoo bang naririnig ko to mula sakanya?? Sakanya na hindi naman talaga mahal ni sir Ashton??? "Yun nga lang, boss ko sya, secretary nya ako. San ho ba nanggagaling mga sinasabi mo?" naiinis na ako "Bakit ganyan tono ng pananalita mo?! Di mo ko kilala, pwedeng pwede kitang ipatanggal sa pwesto mo!" sagot nya pa Napapikit ako ng mariin Teka, bubwelo lang ako saglit "Ano ho ba kayo ni sir Ashton??" Kitang kita ko sa mukha nya na nag aalinlangan syang sumagot, oh diba? Huli ka. Wala ka lang naman talaga ka kay sir Ashton! "We're more than friends" sagot nya Natatawa ako sa itsura nya, parang naiilang na hindi sure sa mga isasagot nya "Paanong more than friends??" natatawa tawa kong tanong "What's funny?" aniya Umiling ako "I saw you that night on a restaurant. You we're dating right??" Napakunot ang noo ko "No. Nilibre lang ako ni sir Ashton no" sagot ko "But it looks like you're dating" sagot nya pa Iniharap nya sakin ang phone nya na may picture naming dalawa ni sir Ashton habang kumakain Magkatinginan kaming dalawa ni sir Ashton at pareho kaming nakangiti sa isa't isa Hindi ko maalala yung pangyayari na yun, basta naeenjoy ko lang ang pagkain non "So? Ano naman ho sayo kung ganun?" sagot ko "I can leak this picture and destroy Ashton's name" sagot nya pa Napakunot ang noo ko "Sino naman maniniwalang nag dadate kami?" "Everyone. Ano kayang iisipin nila kapag nalaman nilang isang hamak na secretary ang pinatulan ng Ashton Homer Beltran??" nakangisi nyang tanong "Walang maniniwala dyan" sagot ko "Wanna see some examples??" sagot nya At iniharap nya uli ang cellphone nya Picture namin iyon nung nasa hotel kami sa ibang bansa, yun ung kumalat sa buong balita na girlfriend nya ako at nag eskandalo ako sa elevator So sya ang nagpakalat non?!!! Sya din ang dahilan kung bakit muntik na akong mawalan ng trabaho! "Tama iniisip mo" nakangiti nyang sabi "Kaya ko silang paniwalain" dagdag nya pa Napabuntong hininga ako "Ano bang gusto mo? Ano bang kasalanan ko sayo??" inis na inis kong tanong "Mag resign ka" plain na sagot nya Napatawa ako "Ahahaha in your dreams!" sigaw ko "Okay, then" sagot nito at naglakad na palabas ng meeting room "I'll talk to Ashton" pahabol nya bago sya tuluyang lumabas ng room Eto na naman, sisirain na naman nya ang pangalan ni sir Ashton. Para saan? Sirain ang buhay ng lalaking hinahabol habol nya?? Eh kung tunay na mahal nya si sir Ashton, hindi nya magagawang saktan at bigyan ng sakit ng ulo ang lalaking mahal nya?? Hindi pag mamahal ang tawag sa nararamdaman nya, kinocontrol nya si sir Ashton para makuha ang gusto nya Wala kasi syang puwang sa buhay ni sir Ashton kaya gagawa at gagawa sya ng paraan para makuha ang pwesto ko para lagi nyang kasama at bantay si sir Ashton Pwes, hindi ako papayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD