Chapter 18

2302 Words
Sobra akong nagugulat sa mga kinikilos at ginagawa ni sir Ashton. Nung nakaraan lang nagsalita sya sakin nang hindi ko akalaing maririnig ko sakanya kahit kelan "I'm trying to make you smile" Pero panira si Jaq. In-love naman daw agad ako porke sinabi iyon. In-love agad? Hindi ba pwedeng na totouch lang ako dahil walang gumagawa sakin ng ganoon mula noon pa Alam ko na ginagawa nya lang yun dahil sa nakikiramay sya. Kaya wala akong dapat isipin na kung ano ano pa, masyado naman ata ako nag fefeeling kung iisipin kong ganun nga "Oh? Talagang nain-love ka na at di ka na makausap kakaisip sa boss mo?" Napalingon ako at nakita si Jaq na nakatayo sa pinto habang yakap yakap si bobby. Yakap nya ito na parang baby "Sira! Hindi no. Nakatulala lang yun na agad iniisip?" at inirapan ko sya Ininom ko ang kape ko na malamig na pala, at natawa sila sa itsura ko "Oh diba, kanina pa malamig yan sobrang tagal mong tulala" sabi ni Adi habang nagwawalis ito Sabay sabay kaming napalingon sa labas ng bintana ng marinig ang busina ng isang sasakyan, sinilip iyon ni Jaq at mabilis na ibinaba si Bobby at lumabas "Si Jaxon" aniya Mabilis na pumasok sa kwarto si Adi, sumilip naman ako at nakitang kausap na sya ni Jaq. Nakita kong papasok na uli si Jaq pero nag iintay pa din sa Jaxon, ano meron? "Paris, pinapasundo ka daw ni Anity" si Jaq Agad akong napalapit kay Jaq at hinawakan ko ito ng mahigpit sa braso "Si Miss Anity?? Bakit daw??" kabado kong tanong Nagkibit balikat lang si Jaq at itinulak na ako palabas "Te-teka, magbibihis muna ako" pagpumiglas ko kay Jaq "No need na" napatigil ako nang marinig kong sabihin iyon ni Jaxon Umupo ako sa likod at silang magkapatid ang nasa harap. Kumakabog ng sobra ang dibdib ko, ano bang meron? Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon, hindi ko maayos ang mga naiisip ko kaya para akong mababaliw sa kaba Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng sasakyan, pinagmasdan ko na lamang ang mga puno, tao at buildings na nadadaanan namin Matatanggal ba ko sa trabaho ko? Nang makarating kami, sobrang laki ng bahay na to! Parang yung bahay namin nila Adi, kalahati lang ng bahay na ito. At sobrang gaganda ng gamit Umakyat kami sa second floor kung san daw nandun si Miss Anity, ang ganda ng bahay nila! Sa tagal kong nagtatrabaho kay sir Shawn, ngayon lang ako nakapasok sa mismong bahay nila. Madalas kasi akong sa likod o harap lang ng bahay nila Kumatok si Jaxon sa isang pinto malapit sa hagdan. May nakalagay itong butterflies na stickers sa pintuan, at agad naman nitong niluwa si Miss Anity Sobrang ganda talaga nya, naka pony tail ito at naka dress. Sobrang simple lang nya pero iba ang dating nya, kahit wala syang make-up sobrang ganda na nya "Come in!" nakangiti nyang sabi Nagpaalam ako kina Jaq at Jaxon bago tuluyang pumasok ng kwarto ni Miss Anity. Huminga pa ako ng malalim "Kinakabahan ka?" natatawa tawa nyang tanong "Ah-opo ma'am hehe sorry po" sagot ko "Don't call me Ma'am, just call me Miss, nakakatanda ang ma'am haha" aniya Kapag ngumingiti sya, ngumingiti din ang mga mata nya. Ganun sya kaganda Inabutan nya ako ng bath towel at body gel "Shower ka muna" Omg, naamoy nya ba ako? Nakakahiya! Bakit dito pa ako makikiligo. Sabi ko naman kasi kina Jaq mag aayos muna ako eh! Mukha nga ata akong hindi naliligo "Go on" aniya Tinanggap ko ang inaabot nya at dumiretsyo sa banyo. Nakakakaba ang maligo sa banyong to, ang daming switch at buttons na hindi ko maintindihan kung para saan Dahan dahan kong pinihit ang shower at nagulat ako sa lakas nito "Are you okay?" sigaw ni Miss Anity mula sa labas ng banyo "Yes ma'--, Yes Miss Anity!" sigaw ko pabalik Basang basa na lahat ng damit ko, pano na yung isusuot ko mamaya Matapos akong maligo, nakakita ako ng bathrobe at yun na muna ang isinuot "Are you done?" tanong ni Miss Anity na nakaupo ngayon sa harap ng make-up dressing table nya. Ang ganda non, parang yung mga nakikita kong gamit ng mga artistang nag v-vlog. "Nabasa po yung suot kong damit eh" sagot ko habang hawak ko ang damit ko Kinuha nya ito at ipinatong sa lamesa nya "You will wear a different one" sagot nya Hinawakan nya ako sa balikat at iniupo sa harap ng dressing table nya "Bagay sayo ang light make up" aniya Bigla akong napalingon sakanya "Uhh, ano pong meron?" Ngumiti ito at sinimulan na ang pag aayos sa mukha ko "Paris, i have a question" aniya "Yes po?" sagot ko habang nakapikit dahil nilalagyan nya ako ng eyeshadow "What will you do when you fall in love with someone who will never fall in love with you?" Napamulat ako bigla dahilan para mapa "Ops" sya "Sorry Miss Anity" sagot ko Nagulat ako sa tanong nya, wag mo sabihing nasa ganon syang sitwasyon. Sa ganda nyang iyan hindi sya magugusthuhan ng lalaking gusto nya? "Sinabi nya po ba na hindi ka nya gusto?" tanong ko "Hmm, he just said that he can't love me" aniya "Bakit naman daw po?" "Kasi magkaiba kami ng mundo?" sagot nito "Parang langit ka, lupa sya. Ganun type po ba?" Napatawa sya "Kakanood mo ng telenovela yan" sagot nya Napatawa na din ako "Pero, yes." sagot nito Tumalikod sya saglit para kumuha ng ibang brush para sa mukha ko. Sobrang simple nya lang talaga, kung totoong nain-love sya sa isang lalaking hindi nya ka level ang pamumuhay, ibig sabihin may malaki at mabuti syang puso Huminga sya ng malalim at humarap uli sya sakin "He's my driver" Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon Nagpalinga linga pa ito sa buong kwarto nya "Wag mo sasabihin kahit kanino please, ikaw lang sinabihan ko" ngumiti ito ng mapait "Bakit po?" tanong ko pa Saan ba ako kumukuha nang lakas ng loob at intrigang intriga ako sa buhay nila "Nag confess ako sakanya last time, while he is driving. He ignored me, but when we arrived" Pinalitan nya uli ang brush na ipinupunas nya sa mukha ko, ang dami nyang brush. Iba't iba pa ang itsura "He told me that he can never love someone like me" Biglang nawala ang ngiti nito at napayuko sya saglit "Well, that's life. Hindi ko naman mababago ang buhay ko para lang magustuhan nya din ako" dagdag nya "Someday Miss, someday. Magiging ready din po sya" sagot ko Ngumiti ito ng mapait at umiling "Sana kapag dumating yung araw na yun, mahal ko pa din sya" Hinawi nya ang buhok na tumatabing sa mukha ko at hinawakan nya ang tig kabilang balikat ko Napatitig ako sa sarili kong repleksyon. Hinawak hawakan ko pa ang pisngi ko at nilapitan ang salamin "Miss Anity, ako po ba ito?" tanong ko Napatawa sya at kumuha ng dress sa cabinet nya "Wear this" aniya Inaabot nya sakin ang isang pulang dress na sobrang ganda "Miss, hindi po ata sakin bagay ito" sagot ko "Just try it on first" sagot nya Agad kong kinuha ang dress at nagbihis na. Dahan dahan ko pa itong isinuot at baka masira ko, makapag bayad pa ako Pinagpag ko ang harap ko at tumitig pa sandali sa malaking salamin sa harap ko "You're so beautiful" napalingon ako kay Miss Anity na nakatayo na pala sa gilid ng pinto ng CR nya "Let's go" aniya Napakunot ang noo ko pero sumunod nalang ako. Pinasuot nya din sakin ang 3 inches heels nya at saka kami bumaba sa garahe "Miss, ano pong meron?" tanong ko uli sa huling pagkakataon Naka sampung tanong na ata ako mula kanina pa pero hindi sya sumasagot. Pinasakay nya ako sa sasakyan at nakita syang nakatingin sa driver seat bago pa kami makaalis "Miss Anity?" "Bye Paris, enjoy this night!" nakangiti nyang paalam at kumakaway pa Biglang andar ng sasakyan palayo ~ Dahan dahan akong naglakad papasok sa napaka mamahaling restaurant na binabaan sakin ng driver ni Miss Anity, dito daw ako pumasok sabi nya Sino naman pupuntahan ko dito? Sobrang laki nito Bago ako makarating ng entrance, may lalaking humarang sakin at tinanong ako "Do you have any reservations Ma'am?" "Ahh-- ano" Shems ano sasabihin ko? Basta lang akong binaba dito ni kuyang driver. Sabi dirediretsyo lang ako, hindi naman sinabi kung sinong kasama ko "She's with me" Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon at nanlaki ang mata ko nang makita si sir Ashton na naka suit Sobrang formal nito, parang yung suot ko "This way sir" "Sir??" nanlalaking matang sabi ko Ngumiti ito at bumulong "Just enjoy the night" aniya Huminga ako ng malalim at inilibot ang mata sa buong restaurant Jusko, sobrang mamahalin tingnan nang restaurant na to. Nanliliit ako Nang makaupo kami, agad ko syang tinanong kung anong meron. At ang sagot nya lang naman "Wala, gusto ko lang maranasan mo makakain sa mamahaling restaurant" Napakunot ang noo ko at tiningnan muli ang paligid Lumapit samin ang waiter at inabot ang menu, pero bago ko pa iyon mabuklat "Ops! Don't. Baka lagnatin ka sa price" aniya Napaka yabang! Ibinaba ko ang menu sa table at hinayaan syang umorder. Kala mo naman talaga mabait, yayabangan lang pala ako Unang dumating ang steak, na may mushroom soup. Sobrang sarap! Kahit konti lang yung serving nila, mabubusog kana talaga. Kaya siguro ganito lang ang mga pagkain ng mga mayayaman "Ang sarap sir!" nakangiti kong sabi Ngumiti din ito Sunod na sinerve samin ang wine "Ang sarap din sir!" nakangiti ko uling sagot Ngumiti ito at umiling "Ofcourse, 15k per bottle yan" Nanlaki ang mata ko at muntik nang masamid sa sinabi nya May alam akong wine na hindi naman ganyan kamahal, pero masarap din naman. Bakit ka bibili ng wine na ganun kamahal eh isang baso lang naman ang iinumin mo. Hindi mo pa mauubos, jusko! Niyayabangan lang talaga ako ng boss kong to. Sinama ako para may mayabangan sya! Hmp. Pero syempre enjoy ko to kasi bukod sa nakapag paganda ako ng libre, ang saraaap sarap pa ng mga pagkain Para akong nananaginip Bukod nga lang sa kasama ko ang boss ko -_- "Kidding aside, this is my treat" Napalingon ako sakanya nang bigla syang magsalita Isusubo ko na sana ang steak, pero napansin kong nakatingin sya kaya medyo niliitan ko lang yung kagat. Ang laki pa naman sana ng isusubo ko, nahiya lang ako kasi nakatingin tong isang to Nakakalaway kasi talaga ang sarap ng steak na to, ngayon lang ako nakakain ng ganito "Gusto ko lang sanang aliwin ka para hindi mo maisip yung mga nangyayari sa buhay mo. And si Dad nag request nitong dinner. Kaya si Anity ang nag ayos sayo" dagdag nya pa Omg, buong family nila gusto akong pasayahin, naiiyak ako "Ohh natotouch ka?" singit nya pa "Sir naman eh" pag papahid pahid ko ng tissue sa mata ko Natawa naman sya bigla "Salary Deduction to" Bigla atang umatras ang luha ko, jusko naman! Wine palang naalala ko ang price pero parang wala na agad matitira! "Hala sir" halos mabulunan ata ako bago ko masabi iyon "Joke" biglang singit nya Napahawak ako sa dibdib ko at napanguso "Si sir naman eh, pero thank you po. I feel special po tuloy" sagot ko "Of course, for your loyalty to our family. At sobra din kaming nalungkot sa nangyari" aniya "Thank you po, at naa-appreciate ko po talaga ang pakikiramay nyo. Sobra sobra na nga po ito, para na po akong may birthday ng isang linggo haha" sagot ko Napatawa naman sya at kinuha uli ang baso nya na may laman pang wine Ang cute nya mag smile "Cheers! And keep on fighting!" aniya "Cheers!" sagot ko At nag toast kami Habang iniinom ko ang wine, kita ko sa reflection ng baso ang mukha ng isang babaeng familiar na galit na galit Pag baba ko ng baso, agad ko syang hinanap. At tama ako, sya nga Sobrang sama ng tingin nya sakin, nasa kabilang table sila ng kasama nya habang pinag mamasdan kami ni sir Ashton Ano nagawa ko? Bakit ganyan sya makatingin sakin? "May gusto ka pa bang orderin?" tanong ni sir Ashton Umiling ako at pinagpatuloy ang pagkain Baka naiinggit lang sya kasi pinapakain ako sa mamahaling restaurant ni sir, pero sya hindi haha "Wala na po sir, okay na po ako" sagot ko Napalingon uli ako sa bandang likod ni sir Ashton, pero wala na don si Selene Nag walk-out na ata, hindi kinaya ang inggit dzai? Hehe Hindi ako matatakot sakanya, dahil sino ba sya? Eh hindi naman sya ang mahal ni sir Ashton kundi si Miss Miho ehh. Ginagamit lang sya ni sir Pero sa part na yun, nakakaawa din naman sya. Hindi ko alam kung mahal nya si sir Ashton, pero sa tipo kasi ng babaeng tulad nya hindi sya talaga yung pang seryosohan Five minutes pa kaming nagpahinga ni sir Ashton bago lumabas ng Restaurant Naglakad lakad pa kami sa paligid nito at tumigil sa malaking fountain sa harap "Do you want to make a wish?" tanong nito Napalingon ako sakanya at napangiti "Naniniwala ka din dun sir?" tanong ko sakanya Naglakad sya palapit dito at dumukot sa bulsa, nag flip pa sya ng coin bago nya ito ihagis papuntang fountain "Yes, si mommy nagturo non sakin." Sagot nya "Your turn" turo nya sa fountain Agad akong naglabas ng barya sa wallet ko at binulungan ang barya na iyon 'Sana maging masaya ang mga susunod na araw pa sa buhay ko' "Let's go home" Napalingon ako sa likod at nakitang naglalakad na palayo si sir Ashton Lakad takbo ko naman itong hinabol "Thank you so much sir" nakangiti kong sabi "I'm glad to see that smile" sagot nya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD