Chapter 17

2177 Words
Ilang araw na syang tulala, at mukhang wala ring pahinga. Nalaman ko kay Axel na namatayan sya ng nanay kaya naman bumili ako ng bulaklak para sakanya bago ako dumiretsyo sa office Pinatong ko ang bulaklak na yon na may note na kasama, "My deepest Condolences" sa ibabaw ng desk nya bago ako tuluyang pumasok ng office ko "Hindi daw po pwede magpasalamat, pero na-appreciate ko po" Napalingon ako ng sabihin nya iyon. Hindi ko sya napansin don, akala ko walang tao Mukhang kagagaling nya lang sa iyak, naglakad ako palapit sa table nya "You can rest muna for a while, if you want" bilin ko "Hindi na po sir, lalo ko lang pong lulunurin ang sarili ko sa lungkot kapag wala akong ginawa mag hapon" sagot nya "Okay, if that's what you want." at tumalikod na ako sakanya Hindi ko sya kilala personally, unlike how Dad's know her. Pero nalulungkot ako sa nangyari Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text dito. Agad kong binuksan ang message na iyon. It's from Miho "Can we eat our lunch together?" Bago ko ito sagutin, lumingon uli ako kay Paris at wala talaga itong kagana gana. I can't stand to see her like that "I can't, may meeting ako" Lumapit uli ako kay Paris at utay utay itong tumingin sakin. Walang emosyon ang mata nya, pero mukha syang puyat na puyat "Tell our team that we will eat our lunch together" bilin ko at ngumiti ito pero pilit "Lunch-out sir?" sagot nya "Yes, book a reservation sa pinaka malapit na restau dito" Tumalikod na ako at bumalik sa table ko. Huminga ako ng malalim at nilaro ang mouse Kahit ako, hindi ko kakayanin ang mawalan ng ina. Sobrang hirap non, i just can't imagine what will happen to my life if mawawala si mom. Pero ganun talaga ang buhay, we can't prevent it. And we will never know when will it happen Life is so cruel *sigh*  My phone's ringing and it's Dad "Yes dad?" "How's Paris?" tanong nya agad "I think she needs to rest" sagot ko agad habang tinititigan si Paris mula sa table ko, I can see her sad face "Oh? Bakit di mo pa pinauwi?" "Sagot nya kasi sakin lalo lang sya malulungkot pag wala syang ginawa" nilalaro ko na ngayon ang ballpen ko "Pero hindi makakatulong iyan lalo kapag nagtatrabaho sya ng may dinadala" sagot ni Dad "Don't worry Dad, I will not bother her ngayong mag hapon" Ako na muna gagawa ng mga dapat gawin "Sir?" Napalingon ako sa pintuan at nakita syang nakasilip "Dad, she's here. Gotta go" paalam ko at binaba ko na ang tawag "Yes?"  Lumapit ito at may inabot saking papel "For signature po" sagot nya Kinuha ko ang inaabot nyang papel at pinirmahan iyon. Bago ko ibalik sakanya, tinitigan ko muna sya. Hindi talaga ako sanay na ganito ang mood nya Nag tama ang tingin namin pero bigla syang umiwas "If you don't want to go home and rest, stay at your desk. I will do my reports for today okay?" Napakunot ang noo nito, inabot ko na ang papel at hindi nya agad iyon kinuha "Hindi na kailangan sir, wag nyo po ako kaawaan" sagot nya Nagulat ako kaya nagkibit balikat nalang ako "K, you may go" Medyo nainis naman ako sa sagot nya, hindi ko naman sya kinakaawaan. Nirerespeto ko lang ang personal nyang problema Lumabas na ito ng office ko at naihagis ko ang ballpen ko palayo. I used to not give a f*ck to others. But now, I don't know what happened I do have my own problems too, but I chose not to think about it anymore. Hindi ko na makontrol ang problemang iyon so hinayaan ko na It's Miho. She's driving me crazy. Like a real crazy. May mga araw na sobrang sweet nya, pero kapag hahawakan ko na sya para syang nasusuka sakin at naiirita pa sya sa tuwing hahalikan ko sya Mula nung pag-uusapan namin noon sa party, she told me everything. Kung pano sya saktan ng asawa nya, pero I don't see any bruise on her body or face. Kung paano sya pilitin makipag talik. Kung pano sya ipahiya sa harap ng maraming tao, at humingi sya ng tulong sakin Pero kapag nasa party naman sila, at makikita ko silang magkasama, sobrang saya naman nya. Parang nagiging ibang tao sya kapag ako ang kaharap nya And last time, halos one week nya akong hindi kinausap. So I called Selene. And Paris saw us doing something. Plano ko pa naman syang lokohin after that pero bad news naman ang nalaman ko, so I think nakalimutan na nya yung nakita nya nung araw na yon "Sir, lunch na po" Napalingon ako sa kung saan nagmula ang boses na iyon. Tumayo ako at naglakad palapit sakanya "Let's go" bulong ko Nauna na sila sa restau, at may dinaanan pa akong coffee shop. Nag advance order ako for Paris, nang makuha ko and coffee, dumiretsyo na ako sa restau kung saan kami kakain Papalapit palang ako ay naririnig ko na ang tawanan at kulitan nila. Pero bigla silang tumahimik nang makarating ako This is the first time na makakasabay ko silang kumain. And I think naiilang sila sakin "Go on, bakit kayo tumahimik?" natatawa kong tanong "Hehe wala po sir, okay na po kami" sagot ng isa sa team ko Nginitian ko ito at saka ibinaling ang tingin kay Paris, katapat ko lang ito "For you" abot ko ng coffee sakanya At ang sumunod na nangyari ay umingay uli ang buong team dahil sa niloloko nila kami "Sana all may pa coffee sir" loko ng isa "Ano meron sir bakit may pa coffee?" tanong naman ni Axel "May something ba Paris?" tanong naman ng katabi ni Paris Hindi ko maintindihan bakit ganito nagiging reaksyon nila, hindi ba nila alam pinagdadaanan ni Paris? "Sir huh, may hindi po ba kayo sinasabi samin?" singit ni Jaq Napa face palm ako, so para tumigil ang lahat "Order your coffee later too. Walang something samin, okay?" sagot ko "Yehheeeyyy" sabay sabay nilang sagot Gusto lang pala ng coffee, nakuha pang mangloko "Thanks sir" sagot ni Paris nang nakangiti Ngumiti din ako Ang gaan ng ngiti nyang iyon. Parang ang tagal ko syang hindi nakitang ngumiti Nakakain na ang lahat at unti unti na kaming bumalik sa office, nauuna akong maglakad sakanila pero nagulat ako nang sabayan ako ni Paris "Hindi ka po naiinitan sir?" tanong nito Sa loob loob ko, napapangiti ako. I think gumana ang kape ko, I jsut want to see her old mood that i'm used to. Parang ang bigat kasi ng aura pag malungkot sya, nakakahawa Umiling ako, pero binuksan pa din nya ang payong nya at sinilungan ako "No need" sabi ko "Okay lang sir, bayad po sa kape hehe" aniya Natulala ako sandali sa ngiti nya. Yes! She smiled again after a ... half day?? But it feels like a week ~ "Team, get your chocolates here!" sigaw ko enough para marinig ng buong team. Nilagay ko sa pantry ang isang malaking box ng chocolate para makakain ang lahat "Wow! Galante ngayon si sir ah" bulong ng isa sa team ko habang naglalakad ako pabalik ng office ko Dala ko ang maliit na box for Paris. Sabi kasi chocolate can help to boost your energy. Kaso baka magtampo na naamn ang iba pag si Paris lang ang binilhan ko, so dinamay ko na sila "Sir, sobra sobra na po ito" inaabot ni Paris pabalik sakin ang chocolate pero tinalikuran ko lang sya "Kainin mo yan, hindi ko na maibabalik sa tindahan yan" At sinara ko na uli ang pintuan ko. Pagkaupo ko naman ay agad ko syang sinilip mula sa glass window Hindi ko namamalayan na napapangiti na ako habang kinakain nya ang chocolates na binigay ko What the hell? Ano ba nangyayari sakin. Nakiki-dalamhati lang ako, pero parang nae-enjoy ko nang pinapangiti sya ----- ( Axel's P.O.V ) Ang tagal nyang lumabas sa shop ng pet supplies! Nilalamok na ako dito. Kanina ko pa sya inaantay lumabas ng opisina, tapos ngayon mag iintay na naman ako sa mga stop over nya! Huminga ako ng malalim at saglit nalang ay aalis na ako pero biglang lumabas ang kapatid ng Beltran mula sa shop kung saan pumasok ang babaeng pakay ko Two birds in one stone?? Pero bago pa ako makaisip nang gagawin, dumating na ang sasakyan nito at may body guard pa sya. Swerte sya ngayon pero next time, next time. At sakto lumabas na din sya galing sa shop kaya dahan dahan ko na itong sinundan Napansin kong nahahalata na nyang sinusundan ko sya kaya mas binilisan ko ang lakad, at tinapon ang sigarilyo ko hanggang sa magpaikot ikot na kami sa maraming eskinita T*ngin* naiinis na ako, kaya binilisan ko din ang lakad ko at naabutan ko sya mabilis kong hinawakan ang kamay nya Napaupo ito sa takot habang tinatakpan ang ulo nya "Wag po! Wag po! Kuya wag po!" sigaw nya I smirked "Hey, hindi ako masamang tao" sa ngayon At nang marinig nya iyon, biglang nagbago ang itsura nya. Kanina para syang tutang takot na takot, ngayon mukha na syang tigre na mangangain anytime Pero di nya ako matatakot "Kilala ko ba kayo? Bakit mo ko sinusundan?!" inis na tanong nito You don't need to know my real identity, not now. "Magtatanong lang sana ako ng direction, naliligaw kasi ako kaya sumusunod ako sayo" kakamot kamot sa batok kong tanong Napa face-palm ito sa sobrang inis Mainis ka pa, who cares? "Jusko naman, bakit hindi mo nalang ako tinawag? Hindi yung para mo kong papatayin sa kakasunod sakin. Tinakot mo ko!" Napatawa ako sa itsura nya. Hindi ko alam kung bakit, pero para syang napapa-dumi sa sobrang takot "At nakuha mo pang tumawa ah?" aniya "Sorry, pero gusto ko lang sana magtanong kung may alam ka bang pwedeng upahan dito?" tanong ko Wala na akong ibang maisip na maitanong, kung bibiglain ko sya baka lalo nya ko pag dudahan. At lalong hindi matuloy ang plano "Mukha ba akong tanungan ng paupahan huh?!" may halong inis na sagot nito "Galing akong probinsya eh. Natanggap ako sa isang company malapit dito at magsisimula na ko bukas" What the?? Wala na talaga akong masabi. Pati ba naman probinsya naisipan ko pa, eh naka coat ako at black shoes pa. Hindi to maniniwala Pero nagulat ako ng mapakamot ito sa ulo at sumagot "Bakit ngayon ka lang kasi naghahanap ng matitirhan? Kung kelan bukas ka na mag-sstart?" Madali tong lokohin Nagsimula na uli kaming maglakad at palingon lingon pa rin sya sakin, gusto ko syang tanungin 'What are you looking at?' Pero hindi pwede kasi kakakilala palang namin, kailangan kong kunin ang loob nya Marami na uling tao kaming nakakasabay at napapansin kong bumibilis ang lakad nya kaya napasigaw ako "Teka, ang bilis mo naman!" Hinawakan ko sya sa braso at hinarap sakin. Naiinis na ako! Baka di ko magawa ng maayos to "Ano ka ba? Bata ka ba? Hindi marunong mag google map??" tanong ko Naiinis na talaga ako, at saka obvious naman ang sinasabi nya. Mas mukha naman talaga akong bata kesa sakanya Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, napaka old fashion nya. Ang haba haba ng palda nya "Bata pa naman talaga ako ah, ikaw ilang taon ka na ba?" sagot ko At ikinagulat ko ang sunod nyang ginawa, hinila nya lang naman ang kanang tenga ko. Napapikit ako "Ito para to sa pananakot sakin ahh" aniya At inabot ko pa ang kaliwang tenga ko. Hindi biro, masakit talaga ang pingot nya! Sino ba sya sa inaakala nya?! "Ito naman, dahil bastos ka, hindi mo dapat tinatanong ang isang babaeng hindi mo kilala kung ilang taon na sya" gigil nyang sabi "A-arayy!" pag pipigil ko sa sarili ko, konti nalang papatulan ko na tong babaeng to. Hindi na nakakatuwa! Parang nagsisisi na akong pumayag ako sa plano. Hindi naman kami bagay nitong babaeng to "Ni hindi mo pa nga tinatanong kung anong pangalan ko, talagang edad ko agad huh?" inis na sabi nya at sa wakas, binitawan na din nya ang pag pingot sa tenga ko! Mauubusan ata agad ako ng pasensya sa babaeng to "Sorry! Ang sakit nun ahh. I'm Axel. And you are?" pagpapakilala ko habang hinahaplos ang tenga kong konti nalang ay mapupunit na sobrang sakit at init nang pakiramdam Umirap ito at tinalikuran ako. Dirediretsyo syang naglakad at hindi na ako nilingon pa Lakad-takbo ko syang hinabol. T*ngin* ano pa bang gagawin ko para mapalapit dito? Ang taray taray, baduy naman! Huminga ako ng malalim at hinawakan uli ang braso nya "Teka, tulungan mo ko please. Wala talaga akong tutuluyan" pagsisinungaling ko, pag ito hindi pa gumana, baka sukuan ko to at gawin nalang ang Plan B Kitang kita ko ang pag hinga nya ng malalim at hinila ako sa dulo ng coat ko Gumana? Gumana ang charm ko! Haha This is it, this is the start, Beltran. I will make your life a living hell. Because that's where you belong, Demon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD