CHAPTER 23 FERSON POV Tahimik ang buong paligid. Naririnig ko lang ang huni ng mga ibon sa labas at ang mahinang hampas ng hangin mula sa bintana. Nasa kwarto ako, nakahiga pa rin, pero ramdam ko sa hangin na hindi ko kasama si Syviel. Alam mo ‘yung instinct? Kahit bulag ako, parang may sariling radar ang katawan ko kapag umaalis ‘yung babaeng ‘yon. Humugot ako ng malalim na hininga, pinilit na hindi mainis. “Nasaan na naman kaya ‘yung babaeng ‘yon…” bulong ko sa sarili ko habang pinakikiramdaman ang paligid. Pagkatapos ng ilang sandali, narinig ko ang mahinang yabag mula sa labas ng bahay. At doon doon na nagsimula ang paninikip ng dibdib ko. Boses ni Mang Kanor. At putik si Syviel ang kausap. “Syviel, ikaw na naman pala rito sa kwadra. Ang sipag mo talaga, iha.” “Eh siyempre p

