CHAPTER 24 SYVIEL POV Tahimik ang paligid. Tanging hinga lang namin ni Señorito Ferson ang maririnig sa loob ng kwarto. Wala na ‘yung ingay ng kwadra, wala na ‘yung kaluskos ng hangin parang kami na lang talaga ang natira sa mundo. Nakahiga pa rin siya, nakangiti, habang ako naman ay nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang tuwalya’t pinupunasan ang pawis sa noo niya. Pero habang ginagawa ko ‘yon, ramdam kong kakaiba ang titig niya. Hindi ko alam kung ano ‘yung nararamdaman ko, pero parang may kuryenteng dumadaan sa pagitan naming dalawa kahit hindi naman siya nakakakita. “Syviel…” tawag niya, mahina pero buo. Napatingin ako sa kanya. “Opo, Señorito?” “Pwede bang… may sabihin ako sa’yo?” Biglang bumilis t***k ng puso ko. “Ha? S-sige po.” Huminga siya nang malalim, parang nag-iipon

