CHAPTER 25 THIRD PERSON POV Kinabukasan, maaga pa lang, ramdam na agad sa buong hacienda ang kakaibang tensyon. Hindi dahil may bagyo. Hindi rin dahil may problema sa mga kabayo. Kung hindi… dahil si Señorito Ferson ay galit. As in, galit na galit. Nakatayo siya sa balkonahe, suot ang kanyang itim na polo, hawak ang tungkod, at may kulubot ang noo na parang may gusto nang sabugan ng sermon. Sa tabi niya, si Mang Kanor pawis na pawis at tila hindi alam kung saan lulugar. “Mang Kanor,” mahinahon pero malamig na sabi ni Ferson. “May gusto lang akong itanong.” “Opo, Señorito?” nanginginig na sagot ni Mang Kanor, hawak ang sombrero. “Totoo ba na sinabi mo sa mga katulong na may namamagitan sa’kin at kay Syviel?” Biglang napatigil ang matanda. “Aba, ehehe… sino pong nagsabi niyan?”

