CHAPTER 26 FERSON POV Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang may sariling playlist ang bibig ni Syviel. Walang tigil. Parang radyo sa palengke puro reklamo, puro daldal, puro “Seniorito Ferson ganito… Seniorito Ferson ganyan…” Diyos ko, kung may mata lang ako, baka tinitigan ko na siya nang matalim para lang tumahimik. Pero ayun nga bulag ako, kaya puro imagination ko na lang ang armas ko. “Hoy, Seniorito!” sigaw niya mula sa may kusina. “’Yung kanin mo nilamig na! Kakadaldal mo kasi sa sarili mo kanina!” Napakunot noo ako. Ako daw ang madaldal? “Ako pa madaldal? Aba, ikaw nga ‘tong may built-in megaphone sa lalamunan!” sagot ko, sabay ngiti. Narinig kong naglakad siya palapit, ‘yung mga yapak niyang parang may galit sa sahig. “Tingnan mo nga ‘tong lalaking

