CHAPTER 44 SYVIEL POV Walong taon. Grabe. Parang kailan lang kahapon lang yata na hawak-hawak ko pa ang tiyan ko, kinakabahan, umiiyak, at paulit-ulit na tinatanong ang sarili ko kung kakayanin ko bang mag-isa. Tapos ngayon… heto ako, nakatayo sa gitna ng maliit naming bahay sa probinsya, may batang pitong taong gulang na humihila sa damit ko habang paulit-ulit na sinisigaw. “MOMMY! PLAY PO TAYO PLEASE!” “Sandali lang, anak,” sabi ko habang hawak ang balakang ko. “Humihinga pa si mommy. Hindi robot.” “Eh robot ka naman minsan,” sagot niya sabay tawa, tapos biglang gumulong sa sahig na parang inaalihan ng demonyo. Napapikit na lang ako. Diyos ko. Anak ko nga talaga ‘to. “Lina!” sigaw ko. “Pakikuha nga ‘yung anak ko sa sahig bago pa siya magdesisyon na maging uod!” Mula sa kusina, s

