CHAPTER 45 THIRD PERSON POV Mabigat ang hangin sa buong Rancho Mandurukot nang gabing iyon. Hindi maipaliwanag ni Ferson kung bakit tila may pumipisil sa dibdib niya habang naglalakad siya sa veranda ng mansyon. Nakabalik na ang paningin niya malinaw, buo ngunit mas lalong lumabo ang mundo niya simula nang mangyari iyon. Sa likuran niya, tahimik na nakatayo si Preah, naka-puting bestida, hawak ang tungkod na matagal nang simbolo ng pagiging “bulag” niya. Perpekto ang arte ang maingat na galaw, ang bahagyang yuko ng ulo, ang boses na laging mahina at paawa. Ngunit ngayong gabi, may kakaiba. “Ferson,” mahina niyang tawag. “Pwede ba tayong mag-usap?” Huminto si Ferson. Hindi siya lumingon agad. “Ano na naman?” malamig niyang sagot. Napangiwi si Preah, pero mabilis niya itong tinago.

