KARMA 6

1634 Words
He's shaking his head while clicking his tongue, "You almost got me there Ms. Candelaria but... not good enough. I approved her promotion based on her performance that the HR presented on me, not because someone told me to. Ganyan ba ang tingin mo sa mga desisyon ko Ms. Candelaria? Sa tingin mo ba makikinig ako sa sasabihin ng sekretarya ko lang para sa mga ganitong klase ng desisyon?" seryosong turan ni Sir Calvin habang nasa likod ang mga kamay niya at walang emosyon ang mga mata. Bahagya naman akong napaatras dahil nararamdaman ko ang matinding aura niya at ayokong mas mapagalitan pa kaming dalawa ni Trish. Ngunit may hangin yata sa utak ang huli dahil nakuha pa nitong sumagot. "N-no Sir Calvin but I still hope you can re-consider me? I've been working here before her and our heads can vouch fo-" patuloy nito ngunit nagtaas na si Sir Calvin ng kamay upang patigilin ito. "Stop, just stop Ms. Candelaria. You didn't see the company e-mail? Starting tomorrow Ms. Alaina Perez will be my Executive Secretary at walang kahit sinong may karapatan na pakialaman ang desisyon ko o turuan ako. Hindi ka ba nagbabasa ng memo?" salubong ang kilay na tanong ni Sir Calvin. Trish started fidgeting but this woman is not backing down, "I-I haven't seen it Si-" "Why is that?" muling pagputol ni Sir Calvin sa paliwanag ni Trish, "What are you doing that you haven't read the memo sent by my office?" he asked raising an eyebrow. Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Trish at tinignan ang relos niya, mahina siyang napamura at tumunog ang cellphone niya ngunit hindi niya iyon sinagot. Humarap siya sa akin na hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha, naghihintay na lang ako na pati ako ay mapagsabihan kaya yumuko ako ngunit nabigla ako nang hawakan niya ang baba ko upang magkasalubong ang tingin namin. Halos manginig ako sa kiliting dulot ng ginawa niya at mukhang naramdaman niya rin ang pagtulay ng kung ano sa aming dalawa kaya naman mabilis niyang ibinaba ang kamay niya at nagsalita. "9am at my office tomorrow Ms. Perez, I don't fancy late comers," may diin sa dulong wika nito saka tinignan ng pailalim si Trish na ikinalaki ng mata ng huli. "Noted Sir Calvin," I replied shortly then he started walking away. Biglang nagpulasan ang mga empleyadong nakiusyoso sa maliit na palabas na si Trish ang bida nang tignan silang lahat ni Sir Calvin. Nagtakbuhan ang mga ito pabalik sa kanya kanya nilang opisina. Alam nila kung gaano kahalaga kay Sir Calvin ang pagtatrabaho, ayaw nito na ang mga empleyado niya ay pulos tambay at kuwentuhan lang ang ginagawa. Nagpupuyos sa galit si Trish at sinabunutan pa ang sarili, lumapit ako sa harap niya at idinukwang ang sarili palapit sa kanya. "Pasalamat ka at marunong akong magtimpi Trish, pero sa susunod na magsinungaling ka at idamay ulit ako, makikita mong may sungay din ako," umingos ako at tumuloy na paakyat sa 3rd floor kung nasaan ang cafeteria ng Sanders Realty na Red Plate Café na ang mga recipe ay mula pa sa ina ni Sir Calvin na si Madam Clarita Sanders. Pagpasok ko pa lang ay biglang tumahimik ang kaninang maingay na lugar. Hindi ko inexpect na matao pa sa cafeteria dahil kadalasan kapag lagpas na sa lunch time ay wala na gaanong tao rito. Sanay akong mag-isa mula nang magtrabaho ako rito dahil iilan lang naman talaga ang naging kaibigan ko rito, madalas ay maaga nagsisikain ang mga iyon dahil sa tambak nilang trabaho. Napahinto ako at nag-alangan na pumasok dahil magkakaiba ang reaksyon ng mga kapwa ko empleyado. Napansin ko ang nakangiting mukha ng ilan, mayroong nakangisi, ang iba ang nakatitig lang, at karamihan sa kanila ay masama ang tingin sa akin, lalo na ang mga babae. Napayuko naman ako at dumiretso na sa hilera ng mga pagkaing pagpipilian. Nakangiti akong binati ng mga staff na tinugunan ko rin ng ngiti. "Ano'ng gusto mo'ng kainin ngayon Alaina? Mayroon kami nung paborito mong cheesy meatball spaghetti," nakangiting alok sa akin ni Nanay Salen. Mabilis akong tumango at nagturo pa ng salad at manok na ipapares ko sa pasta. Kadalasan ay ganito lang ang kinakain ko tuwing tanghali dahil naghe-heavy breakfast na ako sa bahay bago pumasok, isabay pa ang kape kaya naman matagal bago ako magutom ulit. "Thank you po 'Nay!" paalam ko sa kanila at humarap muli sa hilera ng mga lamesa. Napalunok ako nang mapansin na nakatutok pa rin sa akin ang mata ng ilan. Marahil ay nakita nila o kumalat na sa mga group chat ang nangyari sa amin ni Trish kanina. Mas maingay iyon dahil na rin involved ang Big Boss. May napansin akong lamesa malapit sa glass panel at lalakad na sana ako palapit doon nang may tumawag sa akin. "Lai dito!" malakas na sigaw ni Claire, ikinaway ang kamay niya upang lumapit ako sa lamesa nila. Napangiti ako nang makita na naroon din sina Carmela, Grace, at Lorence na mga kaibigan din namin. "Himala at naabutan ko kayo dito?" nakangiti kong tanong nang makalapit ako sa kanila. "Congratulations sa maganda naming friend!" sabay sabay na turan nila at dinumog ako ng yakap. Mabuti na lang at naibaba ko na ang pagkain ko dahil kung hindi ay matatapon pa ito sa kaharutan ng mga kaibigan ko. Mabilis akong hinatak ni Grace sa tabi niya nang papaupo na kami, "Tara rito na bruha ka, ano kamusta ka? Ang ingay sa group chat ng department namin ah!" mula sa Marketing Department si Grace at siya ang head doon. Naging magkasundo kami nang minsang tinulungan ko siya noon mula sa pagpapahiya ni Ms. Angela. Kaya alam kong mainit ang dugo sa akin ni Trish dahil nagawa kong sagutin noon si Ms. Angela na sinasamba niya at kinakapitan upang umangat sa posisyon. "Ang bilis talaga ng chismis ano?" pabiro kong sagot na sinagot niya ng mahinang paghatak sa dulo ng buhok ko. "Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Trish? True ba na ikaw daw ang nagsimula?" tanong ni Carmela habang kumakain. Mula siya sa Finance Department at naging malapit sa akin dahil sa madalas na pagtambay nito noon sa reception area kapag naghihintay sa mga dokumento nila mula sa kumpanya na nasa America kung nasaan ang mga magulang nina Sir Calvin. "If I know yung mangkukulam na 'yon ang nagsimula ng away! Kailan pa nakipag-away itong si Alaina natin?" pagtatanggol naman sa akin ni Claire na sekretarya ni Sir Clay, bunsong kapatid ni Sir Calvin. "Kapag dumaan sa taas ang babaeng 'yon papatirin ko talaga! Wala yang pagiging maldita niya kapag inilabas ko ang ginawa niya sa opisina ni Sir Chris kanina," nakairap na tugon naman ni Lorence, ang kaibigan naming bading mula sa Purchasing Department na pinamumunuan ni Mr. Christopher Sherman. "Huy chismis nanaman yan? Spill na Lors!" paghampas ni Grace kay Lorence na inirapan lang siya. "Puro ka tanong ng chismis, pero 'di mo pa chinichismis kung paano nakalap ni Ms. Camille yung files nitong si Lai sa opisina niyo na hindi niyo nalalaman," paingos na sagot ni Lorence na umagaw ng pansin ko. Nagkibit-balikat lang si Grace at hindi na muli pang kumibo nang magtanong ako. Napapailing lang ako habang nakangiti, "Hindi ako ang nagsimula okay? At hindi rin totoo na sumipsip ako kay Ms. Camille para maging kapalit niya. I'm as clueless as everyone else here kaya wala rin kayong mahihita mula sa akin," maiksing paliwanag ko bago nagsimulang kumain. Tumango naman ang apat at nagpatuloy na sa pagkain. Napapatingin pa rin ang ilan sa gawi namin ngunit pinanlalakihan lang sila ni Claire ng mata, ngunit ramdam kong pinag-uusapan ako ng ilan. Natapos ang araw na hindi ko na nakita si Trish pagbalik ko mula sa break ko. Si Luna muli ang inabutan ko roon at sinabing nag-undertime umano si Trish kaya siya muli ang pinababa. Naging maayos ang maghapong trabaho at hindi ko na nakita pang muli si Mr. Sanders hanggang sa mag-out ako ng alas-singko. Pagbaba ko ng tricycle ay nagulat ako nang makitang nagkukumpulan ang ilang mga kapitbahay namin sa tapat ng bahay namin. "Lai mabuti dumating ka na! Ang Papa at kapatid mo juskopo! Nagwawala nanaman ang Mama mo!" salubong sa akin ni Aling Martha na siyang katabi ng bahay namin. Nakarinig ako ng pag-iyak at sigaw mula sa loob ng bahay kaya mabilis kong binuksan ang gate namin. Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko ang Papa ko na gumagapang habang yakap ang isang unan. "Pa!" nanghihilakbot kong sigaw at lumapit sa kanya, sinubukan ko siyang itayo at nakita ko si Aina sa sulok na umiiyak at mukhang nagtatago. Napalingon ako nang makarinig ng pagkabasag mula sa kuwarto ni Papa, "Mabuti naman at dumating ka nang dalahira ka, pahinging pera! Napakadamot niyang ama mo! Nakita kong binigyan mo siya ng pera kahapon at ayaw niyang ibigay sa akin, matatalo na ako sa sugal!" singhal niya sa akin at lumapit upang hatakin ang bag ko. "Ma ano ba 'to? Anong ginawa mo kay Papa? Dahil sa sugal nagkakaganyan ka?" naiiyak kong tugon habang itinatayo si Papa na umiiyak din. "Aba't sumasagot ka pang babae ka!" naramdaman ko ang paghatak niya sa buhok ko at napasigaw ako nang sabunutan niya ako. "Pera lang ang hinihingi ko ang dami mo nang sinabi letse!" hinaltak niya nang marahas ang buhok ko kaya napasigaw na rin ako. Narinig ko ang pagpapatawag ni Aling Martha ng barangay mula sa labas. "Ma tama na Ma!" nakita ko ang pagtayo ni Aina mula sa sulok at pilit na inaawat ang Mama namin. "Huwag kang makialam dito Aina at pumasok ka sa kuwarto mo! Parehong madamot itong ate at tatay mo!" tinabig niya si Aina ng malakas at nakita ko kung paano natumba ang kapatid ko bago tumama ang ulo nito sa lamesita. "Aina!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD