Ang daming sasakyan kaya nahihirapan akong tanawin sa kabilang kalsada si Elle na nanghihinang lumalakad papunta sa waiting shed. Paminsan-minsan ay nakikita ng third eye ko ang malamlam na imahe ng senyorito na nakasapi sa kanya; manipis na ito at maputla, parang usok na halos hindi ko na makita kung wala lang lilim na nagpapatingkad ng kulay niya. May naupo sa tabi ko rito sa loob ng convenience store kaya saglit na nawala ang tingin ko sa kanila. Pagbalik ko kay Elle ay nakaupo na siya sa may waiting shed, maya-maya pa ay namilog ang mga mata ko nang tumayo ang kaluluwa ng senyorito at humiwalay na sa katawan niya. Malaya na siya. Napahawak ako sa bag ko, handa nang tumayo. Naiwan si Elle sa may waiting shed, walang malay pero maayos naman siyang nakahapay sa bakal na sandalan ng silo

