Sa sobrang sama ng loob ko ay pinanindigan ko ang hindi na pagbalik kina Elle kahit pa araw-araw ako pinagagalitan ni Josefina. Tuwing aarya siya sa pagbubunganga ay nag-fo-focus na lang ako sa gawaing bahay; pasok sa kaliwang tainga ko at labas sa kanan ang mga sinasabi niya hanggang sa kusa na lang siyang tumigil at mapagod. Minsan tinatawag ako ni Josefina na makasarili at walang pakialam kay Elle. Pa'no na raw ang babaylan? Nilapitan ko raw ito para humingi ng tulong pero ngayong ito na ang nangangailangan ng tulong ko ay pababayaan ko na lang daw ba ito? Hindi ko na alam. Namanhid na lang ako sa mga sinasabi niya ng mayordoma. "Hindi niyo alam ang mga dinanas ko sa senyorito, wala kayong karapatang tawagin akong makasarili." isang beses ay nasagot ko na siya. "Ginawa ko na po ang ma

