Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.
Tumungo ako sa bathroom para gawin ang morning routine ko. Wala na si gov sa kinahihigaan niya, malamang na umalis na 'yon dahil maraming gagawin sa opisina.
Bumaba na ako para mag breakfast. Si gov kasi hindi marunong magluto, pero magaling siyang maglaba. Kaya nga ako lagi ang nagluluto, siguro umalis na naman iyon ng hindi kumakain.
Hiniram ko muna si Manang Valentina, nanny ko nung bata pa ako. Siya 'yung nag-alaga sa'kin nung wala si mama for almost 9 years, bumalik lang siya nang mag 11 years old ako. Simula ng ipinanganak ako ay iniwan na ako ni mama, pati narin pala sila papa, at kuya Lucas.
Pinuntahan ko ang guest room para gisingin si Manang Valentina.
“Amma, gising na..” Sabi ko at niyugyog siya. Nagmulat naman siya ng isang mata para tignan ako.
“Ano oras na ba?” Tanong niya. Umupo siya sa kama at nag-unat.
“Alas otso media na ho. Ipagluto niyo na po ako ng agahan, miss ko na po kasi ang luto niyo.” Sabi ko. Ngumiti naman siya sa'kin.
“Oh, sige. Miss ko na rin ang mga pambobola mo.” Natatawang sambit niya. Lumabas na kami ng guest room at bumaba papunta sa kusina.
“Anong gusto 'mong kainin?” Tanong ni Manang.
“Bacon, omelette, at kanin na lang po.” Sagot ko.
Nagsimula na siyang magluto. Kinuha ko muna ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Nakita ko ang mga text messages ni Leo sa'kin.
From: Lea Maganda
Hoy Puno! Si president, mukhang magwawala na naman!
From: Lea Maganda
Puno!!! NA-CORNER NIYA SI SAICHI!! PARANG GALIT NA GALIT SI HAWTIE PRESIDENT KAY SAICHI!!
Saichi!!??
Binasa ko pa ang ilang text messages niya, meron din' missed calls.
Wala sa'kin ang cellphone ko kahapon buong magdamag dahil na kay mama ang cellphone ko. Binalik niya lang sa'kin nung umuwi na kami, low battery din 'yon.
Tinawagan ko si Leo.
/“Hello?”/
Kakagising palang 'ata.
“Ano nangyari kay sai?”
/“Ayun, nadapa habang tumatakbo.”/
“Putangina mo, Umayos ka.”
/“Joke lang. Sinampal niya si Hawtie president. Natauhan naman si president at tumungo na lang sa office niya.”/
“Tapos?”
/“Wala na! Dumiretso ako sa malapit na cr at tumae!”/
“Humanda ka sa'kin sa monday, sasapakin kita tamo.”
/“Baboosh! Eklats!”/
Natapos na din si manang Valentina magluto.
“Nak, parang problemado ka ha. May nangyari ba?” Tanong ni Manang.
“Wala po. Kain ho tayo.” Sabi ko. Umupo naman siya sa katapat na bangkuan ko.
Mahaba ang lamesa pero tatlong tao lang ang gumagamit. Pwede nga ang bente kwatrong tao sa lamesa na ito.
Nagsimula na kaming kumain.
---
Nanonood kami ngayon ng horror movie ni Manang dahil nga wala kaming magawa.
“Ano ba 'yan!? Nakakadiri naman!” Sabi ni manang, tinakpan niya pa nga ang mata para hindi makita ang 'kadiring' scenario kuno.
Kinakatay kasi nung male lead 'yung katawan ng female character. Ito nga 'yung pinaka gusto ko sa mga horror movies, may mga katayan.
“Alisin mo 'yan! Nakakadiri na!” Saway ni Manang sa'kin. Sinunod ko naman.
“Amma naman ih!” Pagmamaktol ko.
Ilalabas na nung lalaki 'yung lamang loob nung babae! Kaso si Manang, istorbo!
“Hayaan mo na. Manood ka na lang no'n kasama si Cole.” Aniya.
“Speaking of Cole, nakita niya na ho ba kayo kanina?” Tanong ko.
Meron kasing limang guests room dito sa bahay, minsan pumapasok siya do'n para magpahangin.
31 rooms ang meron dito sa bahay. Dalawa para sa'kin, apat naman para kay Cole. May musical room, office room ni Cole, art room, gym, study room, game room, bar counter room, sunroom, conservatory room,loft room, basement, balcony, laundry room, parlour,attic, bedroom, dining room,kitchen,living room.
Isa sa mga guests room ay ginagamit ni Manang Valentina.
Ang dalawang para sa'kin ay office room at musical room.
“Hindi pa,” Sagot niya.
“Ano ba itsura nung napangasawa mo na 'yon?” Tanong niya ulit. Kinuha ko ang cellphone ko sa may glass table at ipinakita kay manang ang picture naming dalawa ni Cole nung kasal namin na nasa gallery ko.
Hindi mahilig si manang manood ng TV, kaya nga nag iiyak at nagpapadyak pa ako para pumayag lang siyang manood ng horror movie kasama ako.
“Tisoy naman pala ang asawa mo, nak. Anong pangalan niya ulit?” Tanong ni Manang.
“Cole Mateo Garcia po, he's a half american and half Filipino po. Bale, ang si Tita Makiyah po his mother is a pure Filipina, and his father,Tito Carson po is a pure american.” Sagot ko.
“Maimpluwensiya ba siya?” Tanong ulit ni Manang.
“Opo, kilalang aktor po si Cole sa Pilipinas at sa Estados Unidos, tapos pa bilyon-bilyon ang perang kinikita ng kumpanya nila.” Aniko.
Hindi lang sila maimpluwensiya, sobrang makapangyarihan nila. They owned three lands here in Philippines, 247 luxurious cars, 45 Islands, and 12 mansion in every city/town they're live.
They also invest in every schools. Tumutulong din sila sa mga orphanage.
“Napaka galing naman ng tatay mo pumili ng mapapangasawa mo, nak. He really do knows you.” Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
“Ha? What do you mean?” My curiosity pumps up.
“Naaalala mo nung bata ka pa, 'yung bodyguard 'mong si Henry?” Tanong niya, tumango naman ako.
Si Henry Soriano is one of my bodyguard nung hindi pa nangyayari 'yung ginawa sa'kin nung monster. Henry used to play with me when my kuya lucas is away.
Naiinis kasi si Lucas kay henry kasi mas may time kami ni Henry mag-laro noon kaysa sa kaniya.
Kuya Lucas is the one I used to play with before. Nang mag offer 'yung monster kay Lucas na siya na raw ang bahala sa career at pag-aaral ni kuya lucas, agad naman pumayag itong hudlong 'kong kuya.
FLASHBACK! KRUK KROK!
Narinig ko lamang ang mga iyon sa room na nasa tapat ng room ko. I peeked at the door. Nakabukas kasi ng bahagya iyon kaya i take the opportunity to peeked.
‘May kasunduan tayo Leonard na pagaaralin ko si Lucas habang saakin siya nakatira.’ Sabi nung monster.
‘Hahanapin siya ni Rang kapag nagkataon.’ Sabi naman ni papa.
‘Puwede pa naman dumalaw dito si Lucas para may kalaro parin si Adrianna.’ Aniya nung monster. May diin sa pangalan ko.
Nung marinig ko 'yung pangalan ko no'n,muntik na akong maihi sa shorts ko dahil sa sobrang kaba na baka nakikita nila ako. Buti na lang nakapagpigil ako.
Papa Leonard hired Henry bilang bodyguard ko. Henry is kind, muscular, friendly, and lovely kaya lang nung first impression ko nung magkita kami is nakakatakot.
Parang kasi mangangagat si Henry sa sobrang walang emosyon niyang tumingin tapos ang tipid pa sumagot.
BACK TO THE TOPIC! KUROK KUROK!
Tuwing nakikita ni Lucas na magkalaro kami ni Henry ay nagagalit at nagdadabog siya. At first parang kabute lang ako na hindi alam gagawin at laging sumusulpot sa lugar kung saan sila naguusap.
Certified chismosa ako nung bata pa ako.
Sinisilip ko din ang kwarto ni Lucas para tignan kung anong ginagawa niya, minsan nga kailangan ko pang mag tago sa ilalim ng kama niya para marinig lang 'yung sinasabi, pero ang ending lagi naman akong nahuhuli.
Ang galing din kasi nitong huldong 'kong kapatid, ang talas talaga ng pang-amoy, pati mabaho 'kong hininga naaamoy.
Once narinig 'ko siyang may binubulong nung nando'n ako sa kwarto niya, naging unggoy ako no'n dahil ginamit ko 'yung comforter blanket niya para gawing baging.
‘I'm jealous of that Henry. Hindi ko na nakakasama ang kapatid ko dahil lagi siyang sumusulpot. Bakit kasi pumayag pa ako sa lecheng offer na 'yon?!’ Rinig'kong sabi nung kapatid 'kong hudlong.
Aba't kasalanan mo 'yan!
‘Tanga ka kasi! Kaya ka naman pag-aralin ni papa pero pumayag ka pa rin. Desisyon mo 'yan kaya panindigan mo!’ Bulong lang dapat iyon pero napalakas ako ng sabi.
Isa ka rin' tanga, rang!
‘Anak ng pating! Dinaig mo pa si Tarzan sa ginawa mong 'yan!’ Sabi ng hudlong 'kong kapatid.
Mas pogi naman ako kaysa kay Tarzan 'no!
Tinanggal ko sa kisame ang pagkakatali nung comforter, at ibinalik iyon na gusot-gusot at may alikabok sa kama ni Lucas. Tumalon ako papunta sa harapan niya.
Hindi ko kasalanan kung madumi 'yung kisame!
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya at niyugyog siya.
‘Bakit ka ba kasi pumayag!? Tanga ka rin ih! Hindi tuloy tayo makapag laro!’ Bulyaw ko.
‘Para naman sa kinabukasan ko 'yon! At saka huwag mo nga akong yugyogin! Isusumbong kita kay papa!’ Aniya.
Ano kala mo sa'kin? Matatakutin? Loleng mo panot! Hindi mo ako kaya tol! Wrestling na lang oh!
‘Ulowl tol! Si Henry nga hindi mo maaya ng suntukan, magsusumbong ka pa kay papa. Etots mo! Wala si papa, may business trip!’ Sabi ko.
Oh ano!? Talo! Belat ka lucas! Akin na 1500 pesos kung kailangan dagdagan, dagdagan mo!
‘Lumabas ka na nga! Mamaya ko na lang sasabihin sayo ang dahilan.’ Aniya at hinila ako palabas ng kwarto niya.
Habang naglalakad ako ay nadapa pa ako. Letseng sahig 'to! Ang tanga!
‘Lucas! Isang libo limang daan! Ehem! Nako! Inuubo ako! Ehem!! Nadapa ako oh! Kailangan tapalan ng pera Ito!’ Sigaw ko para marinig ni lucas.
Napaupo na lang ako sa sahig at hintayin si lucas lumabas.
Rinig ko naman ang yapak ng paa ni Lucas na papalapit sa'kin na may dalang pera. Naaamoy ko, putangina ang lutong tapos ang bango pa. Parang madadagdagan nga ih! Punyeta full package na!
‘Ang tanga mo naman! Ito limang libo, itapal mo diyan sa tuhod mo.’ Aniya at binigay sa'kin 'yung limang libo, kinuha ko agad iyon para bilangin. Mahirap na baka pinipeke lang ako nitong ugok 'kong kapatid.
Inamoy ko pa 'yon, ang lutong, mabango, magaspang, kulay asul, at putangina maaliwalas galing sa bangko sentral ng Pilipinas!
Tumayo ako at tumungo sa kwarto ko para ilagay sa piggy bank ko 'yung pera.
Ganyan talaga kapag mukhang pera kailangan umaarte.
END OF FLASHBACK! KRUK KROK!