Episode 7 - Awkward Things

1142 Words
“How's your life?” Charjan asked me. Nanonood kami ng movie ngayon. Well, magpipinsan lang, umalis kasi ang mga magulang namin, ang sabi mamamasyal lang raw. So be it. “It's complicated as usual.” Sagot ko. Totoo naman, kailan ba hindi naging komplikado ang buhay ko? Ni-hindi nga ako mapakilala ng asawa ko sa buong industriya. Pumupunta nga ako sa taping, shooting niya, pero pinapakilala niya lang ako as his sister. Kilala ako sa office niya bilang kapatid. “Why?” Carolina asked. “Let's not talk about that, carolina. It's still a sensitive topic for her.” Sabi ni Kevin. Lihim ko siyang nginitian. “Sana ganyan ka din sa syota mo.” Rinig naming sabi ni Callie. Kevin has a girlfriend and it's Saichi Fuentes. Hiningan pa nga ako ni Kevin noon ng permiso na ligawan si Saichi. Ang sabi nga noon ni Kevin na ‘Ang sabi niya, parang ikaw na raw ang tumayong nanay niya kaya kailangan hingin ko muna ang permiso mo.’ “I used to called her MY GIRLFRIEND.” Depensa naman nitong si kevin. “Tama na nga 'yan. Ang TANDA niyo na, umaakto pa kayong BATA.” Sabi naman nitong si Vicky. “Grabe ka naman sa tanda!” Saad ni Cathlyn. Oo nga! Nanood na lang kami. *** “Rang! Anak, nandito na kami!” si mama. “Carolina, Kevin!” Si tita Carol. “Vicky,Callie, Cathlyn!” Si tito Callum and si Tita Meghan. “Charjan!” Si tita Charlotte. Lumapit sa'kin si kuya Lucas. “Hindi ako hinahanap ni mama.” Bulong niya, mahihimigan sa boses niya ang lungkot. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya kung saan naroroon sila mama. “Do f*****g say hi.” Bulong ko nang makarating na kami. “H-hi ma.” Sabi niya. Nginitian naman kami ni mama, samantalang si papa, inirapan lang kami– hindi! Ako lang pala! Nasa iisang kwarto kasi si mama at papa kaya sinundan namin. Ayoko namang magmukmok si kuya Lucas sa ibaba dahil hindi siya tinawag ni mama. Kawawa naman. “Lucas,rang, mga anak. May mga binili ako sainyo oh.” Sabi ni mama. Binigay niya ang dalawang Nike rubber shoes para kay kuya Lucas at black stiletto naman para sa'kin. “Mama. Hindi ako mahilig sa ganitong sapatos.” Sabi ko. “Hayaan mo na, ibibigay ko sa'yo 'yung sapatos ni LeBron at ibibili rin kita ng knives collection with matching allowance every month.” Bulong ni kuya Lucas sa gilid ko. Napangiti naman ako. “Madali lang naman akong kausap.” Sabi ko. Nakangisi 'kong tinanggal ang rubber shoes na suot ko at sinuot ang black stiletto na bigay ni mama. Fit na fit! “Ang papa mo ang namili niyan. Siya rin namili ng kulay. Ang sabi niya pa nga ' Her room is black, she dreams to be stunt woman, she likes to watch horror movies and gusto niya ng baril at matatalim na bagay. She hates dress.' ” Sabi ni mama. Tumayo ako at sinubukang maglakad. Sa pangatlong lakad ay natapilok ako, buti na lang nakaalalay si kuya Lucas sa'kin. “Try to cut your hair, subukan mo din tanggalin 'yang eye glasses mo and wear contact lenses. ” Suggest ni mama. Yes, malabo ang mata ko. Namana ko kay papa. “Punta tayong mall at magsalon tayong pamilya!” Pagaaya ni mama. Peke naman akong ngumiti. “Lucas, Leonard, Rang, and me we're going to salon! Ang umangal, makakatikim ng sari-saring kutos.” Banta ni mama. Alam kasi ni mama na hindi papayag si papa,kuya Lucas at ako. Hindi kasi ako mahilig mag salon. --- Unang bumili si mama ng neck tie, business attire clothes na para kay papa, books and something classy clothes daw para kay kuya lucas. At ako naman ang huli. Bumili rin si mama ng Navy blue bodycon halter neck dress.  Pinagupitan niya din ako at permanent straight 'yung buhok ko. Medyo may pagka wavy pa din 'yung buhok ko.  Nagpa make-up na rin ako. --- Lumipas ang 10 minuto na paghihintay nila mama,papa at kuya lucas ay lumabas na ako ng dressing room. Suot-suot ko ang dress at stiletto na binili ni mama para sa'kin. Nakita ko ang pagkamangha ng pamilya ko nang makita nila ako. Pasimple akong tumingin sa salamin na nasa gilid lang ng dressing room para tignan ang sarili ko. Ang maputi 'kong balat na nagsisilbing ilaw ng dress at ng heels, buhok na mahaba noon at maalon ay hanggang balikat na lang at unat. Babaeng maganda sa harapan ng salamin ngayon ay tila anghel sa paningin ng nagma-may-ari ng katawan at nang lahat. Ako ba talaga Ito? “Papa,mama, Lucas. Ako ba 'yung babae na 'yan? ” Tanong ko, nilingon ko pa sandali sila. Nakangiti naman itong tumango sa'kin. “Hindi ba doppelganger ko 'yan?” Tanong ko, kinaltukan naman ako ni kuya Lucas nang makalapit na siya sa'kin. “Aray..” bulong ko. “Tangina mo! Ikaw 'yan! Hindi ka kasi marunong nag-ayos kahit konti man lang kaya ka napagiiwanan!” Bulyaw nito sa'kin. Nakangiti naman kaming lumapit kila mama at papa. “Ang ganda mo,nak. Sa'kin ka talaga nagmana.” Sabi ni mama. “Sa akin siya nagmana!” Depensa ni papa. Sinamaan naman siya ng tingin ni mama. “Para wala ng away, parehas na kaming nagmana sainyo.” Sabi ni kuya Lucas. Ayan! Good job,tol! --- Pinauwi na ako ni mama at papa sa bahay namin ni Cole dahil baka raw hanapin ako no'n. Nagbihis na ako ng pambahay dahil hindi puwedeng madatnan ako nung taong 'yon. Nagtanggal na rin ako ng make-up. Tinanggal ko din ang contact lenses na nasa mata ko. -- Saktong 10:30 p.m ng gabi ay nakauwi na si Cole. Nagulat pa nga siya nang madatnan ako dito sa kama niya na nanonood na naman ng horror movies. “Anong nangyari sa buhok mo?” Tanong niya nang matapos ng maka ligo. “Pinagupitan ako ni mama.” Sagot ko. Nakatutok parin ang mata ko sa TV, hindi puwedeng lumingon kay gov! Topless si gov kaya bawal tumingin! 'Pwedeng nakaw-tingin lang?' Hindi pwede! Kahit na may 8 pack abs si gov hindi ako titingin. Napatakip naman ako sa bibig ko. “Putangina ka talaga! Leo, nahahawa na ako sa kabalastugan mo.” Bulong ko. Pasimple akong tumingin kay gov, naka t-shirt at shorts na siya ngayon, pero bakat pa rin 'yung abs niya at etits. “What are you staring at?” Rinig 'kong tanong niya. Ay anak ni aling tisay! Nahuli lods! “Nakahuli ako ng malaking carrots– Punyeta! Nakahuli kako ako ng daga sa eskinita kanina.” Sabi ko. “Ah.” Aniya. Bumalik na lang ako sa panonood ng horror movie kaysa sa bakat na etits ni gov. Minsan talaga nagiging manyak na ako katulad ni Leo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD