Chapter 3 | Like I Used To

2616 Words
"As you know, active ang Hamilton sa mga Sports activities lalo na sa Sport fests between the 6 popular schools." I just nod. "We're done. Dito ka lang naman hindi masyadong familiar eh." "Yeah." Sagot ko nalang. "By the way, military ang tawag sa students dito. Unique, right?" Hindi ko alam yon. "Military." I nod to myself. They both nod while laughing. Are they making fun of me? "Niloloko niyo ba ko?" I narrowed my eyes. "No." Bakit hindi ko alam yon? "After mag retire ni general, he pursued business at isa doon itong Hamilton." I nod to myself. "Hamilton's foundation day is different too, instead of booths and programs. We do, Field Week." "Hindi na ko mag kukwento, antayin mo nalang." Tumango ako sa sinabi ni Mirah. "Papahirapan ka don!" My eyes grew wide because of what Zai just said. "Sira ka talaga!" Mahina naman siyang binatukan ni Mirah. "Totoo ba?" Tanong ko. "Oo, pagagapangin ka sa putikan, buong araw kang mag e-exercise, nakatayo kang matutulog habang kinakagat ng mga lamok, kailangan mabilis ka kumain kasi pag nahuli ka, bang!" Imbis na maniwala, natawa nalang ako sa kalokohan ni Zai. Halatang halatang nag iimbento nalang. "Ikaw kaya ang i-bang!-- ko diyan?" Natatawang tanong ko. Natawa rin si Mirah sa asaran namin ni Zai. Nag kuwentuhan kami hanggang makarating sa General Building, kaya hindi ko masyadong naramdaman na malayo ang nilakad namin. Maganda rin ang loob nito, mas malski sa loob kumpara pag tiningnan sa labas. Sumunod lang ako kila Mirah nang pumasok sila sa elevator. Zai pressed the number 4. Hindi na ko nag tanong at tumahimik ns lang. Malakas maka tahimik tong building na 'to, malamig dahil sa aircon at tahimik kaya nakakahiyang mag ingay, prang library. Nang bumukas ang Elevator bumasok kami sa isang double door na pintuan sa dulo ng Hallway. "Lolo!" Tawag ko nang makita ko siya at ako na ang lumapit to kiss his cheeks. He's our very own lolo Edison Vaernes. The head of our whole family and Chairman of Vaernes Chain of Hotels. And of course, the founder and director of Hamilton. "You look better compare noong huli kitang nakita." I just answered him with a smile. "So, what you think about Hamilton?" Tanong niya at pinagsalikop ang mga daliri niya habang nakapatong ang mga siko sa table niya. "I like the landscape and the name of the buildings, really interesting. I think the general's ruling great." I said grinning. "You think so?" I nod. "I'll tell my secretary to double your allowance for the whole semester." "You're giving me allowance?" "Just for your first semester here, granddaughter." "You don't need to." "But i want to. Just take it as a welcome home gift from your favorite lolo." He moved his brows up-and-down. I chuckle on what he did. "Thank you." "Here's everthing you need. Pumunta kayo sa 1st floor, ibigay mo kay miss Cheryl ang Military Card mo." inabot niya sakin ang isang expanded envelope. "Wala ka pang id, on your first day asked them to accompany you to the studio." "Welcome, Xiavira. You are now part of my military." I can hear authority in his voice. Indeed a general. "Thank you, general." I said and give him my salute. "The pleasure is all mine." He laugh and accept my salute. Natawa pa ko nung kumindat pa siya sakin. Mga bata palang kami ginagawa na namin 'to. We all know that he's a general kaya lagi kaming nag bibigay ng saludo sa kanya. Nakikita naming natutuwa siya pag ginagawa namin ang mga ganung bagay kaya bilang mga bata, gusto naming nakikitang nauwa samin ang mga nakatatanda lalo na ang pinakamamahal naming lolo. Kahit pa para kaming sundalong kailangan mabilis kumain, hindi gumagalaw pag pinatutulog niya kami, tahimik pag nanonood siya ng balita at sumusonod sa mga palatuntunan kundi mapapalo kami ng pamalo niyang may nakasulat pang Bible verse na "Train up a child in the way he should go, And when he is old he will not depart from it." Kahit kailan, hindi nawala o nabawasan yung respeto at pagmamahal namin para kay lolo, dahil sa ginawa niyang 'yon. Actually habang tumatanda at nagkakaisip kami mas naa-appreciate namin yung mga tinuro niya mga pangaral samin noon. Isa na do'n yung lahat ng ginawa mo may kapalit, mabuti man o masama. After namin sa office ni lolo, bumaba kami sa 3rd floor para magpasukat ng uniform ko. It is three complete pairs of Type A, regular uniform. One complete pair of Type B uniform. And two complete pairs of Type C, P.E. Pagkatapos gaya ng sabi ni lolo, ibinigay ni Zai ang isang card kay miss Cheryl since hindi pa ako pamilyar sa mga impleyado dito. Just minutes passed binalik niya na rin, si Zai ang kumuha non. "Unang bawas." Zai said laughing habang inaabot sakin yung card ko. "For my uniforms?" Tanong ko at kinuha ang card ko sa kanya. "Tuition, books and etc." Nang makapasok na kami sa kotse, binuklat ko agad yung envelope na binigay ni lolo. Curious ako. Kinuha ko yung card kanina. Royal blue yon, may pangalan at student number ko sa harap, katulad lang ng normal na card yung likod. "May idea na ko kung para saan 'to pero mas mabuti na yung malinaw." Pinakita ko yon sa kanila. "Military card yan, para sa lahat ng gastos sa loob ng Campus. Parang atm, ganon." Zai's focused in driving kaya si Heaven ang sumagot. "Hindi ba pwedeng mag bayad nalang ng pera? I mean, pano pag naiwan 'to?" "The answer is... no." "What if mawala ko?" "Write a report letter that you lost your card to the Office of Monetary and Audit Unit . They'll deactivate the card and give you a new one." "Madali lang naman pala." "Hindi ganon kadali yon. Because if you lost that, your id or any of your badges, that also means you violate a rule.. and there's a rightful punishment for every violation." I pursed my lips and nod. "Okay." Kailanga pala masinop ka dito. I take a look inside the envelope and pick up the chain--no. A dog tag? "What is this for?" I showed it to her. "Well, there are no particular time or event para suotin yan, kung gusto mo araw-araw mong suotin ." Akala ko tapos na siya sa sasabihin niya kaya kinuha ko na yung mga pins sa loob ng envelope pero may sinabi pa siya. "But, us military is obligated to wear our dog tags during fieldtrips and field week. Most players and varsities usually wear that every sportfest too, lalo na pag sa ibang Campus gaganapin." "Kailan naman ang fieldtrip at fieldweek?" "December 3rd is our Foundation day, same day for the fieldweek's first day. Fieldtrips are usually held a week after the sportfest And as you know, dalawang linggo ang sportfest, depende sa sports na kasali para sa taon na yon. "Okay." "Speaking of sports, are you planning to play for Hamilton?" Zai suddenly asked. "Pinagiisipan ko pa." I answered. "Wag mo na pag isipan, join archery!" "I'll ask kuya." I simply said. "Sure na yan." Napailing nalang ako at napangito sa kanya. "So, going back.. what exactly is the use of these?" Pinakita ko kay Heaven yung dalawang pins. Blue and maroon "Those are very important." She said seriously. "Those are badges, you know how badges work. They can distinguish and classify you, whether you are part of the council, if you have authority, etc. Without your badges, you are nobody inside the campus, let me tell you why..." Bahagya siyang mas tumagilid sa umupuan niya para mas mapaharap sakin. Kinuha siya sa palad ko yung mga pin at isa-isang pinakita. "The Royal Blue with Hamilton's logo, means you're a military. All Hamilton students has this. Without this you are not a student of Hamilton." It is shield-shaped badge with our logo. It has colors gold and white but mostly blue. "What about the id?" I asked confusedly. "That and this is like one. Without the other they mean nothing." She explained. "'Kay. How 'bout that one?" I pointed the maroon one. It is round and has a big maroon star that occupies most of the space. There are gold lines inside the star. I don't get it at first but then realized, it is a finger stamp. "Red Earth. This means Authority. There are some spots and areas in the campus that is restricted. But you're excluded if you has that badge. Bukod don, you has authority in the whole campus, i bet you knew what i mean." Napatango ako sa mga nalaman ko. So, i have authority? "Bakit ako meron nito?" "Hello, privileges of being apo ng general." "Okay... Example of the restricted areas?" "General's office, fifth floor of Lieutenant Cross Building, auditorium without event, and more. And also! Muntik ko nang makalimutan... hindi ka pwedeng pumasok sa kahit anong club pag hindi ka member nung club na 'yon, pero kung meron ka nito." "Pano naman nila malalaman na may pumunta o lumabag sa mga bawa--- oh, CCTV." I immediately said as soon as i realize, what a fool i am. I watched her chuckle. "Fine. Fine. Go on." I look at her nonchalantly with my narrow eyes. "There are some students din na nag rereport. They'll receive reward so, yes." She explained when she stopped making fun of me. "What reward?" "Bonus allowance." "Oh." Kaya pala. "There's a total of how many badges?" I asked curiously. "Ang sabi ni lolo, hindi permanente ang dami ng badges, but currently it is four." "Ilan ang meron kayo?" "Four." She answered confidently. "The other two is Gold, means Varsity and Military green, means Student Council." "Student Council kayo?" "The four of us, kasama si Zedric at Jaxon. Since we run for the position, wala nang lumaban. That's also why lolo decided to elect us for the next and next years. No conflicts, pure unity." Si Zai ang sumagot kaya nabaling sa kanya ang paningin ko. Ang dami ko pa palang hindi alam sa kanila. "You sound proud." I roll my eyes. "Who wouldn't be proud?" Zai joked. "Pano yon, apat lang kayo?" Tanong ko pa. "Don't worry madadagdagan na kami." Heaven glanced and winked at me. "I don't want any position nor title. I don't trust myself enough for that matter." I stated. "You don't. But they might do." Zai countered. I can't see her face because i'm in the backseat but i can almost hear her smirking. "Whatever." Sabi ko nalang. "Oo nga pala, every monday type b uniform ah." Napalingon ako sa mga paperbag sa tabi ko nang sabihin yon ni Zai. "Okay." Sagot ko nalang. "We'akore here." Sabi niya kaya lumingon ako sa bintana. We just shopped some stuffs and have fun. They tour me around the city after. Right now, nasa isang open field kami na puro damo at ilang puno. May mga street lights sa daan di kalayuan mula sa kinauupuan namin kaya hindi rin gaanong kadilim dito... Ang sabi nila, tuwing umaga daw paraming tao dito dahil narin siguro may chidren's park pag tawid mo lang pero ngayon kami lang ang nandito at nag kukwentuhan. "Baka manibago ka." "Madali lang naman akong mag-adjust." Komento ko sa sinabi ni Zai "Baka naman bukod samin wala ka nang ibang samahan." Sabi niya at kumuha sa hawak kong chips. "Mga matatalino pa naman, choosy sa kaibigan." She even looked at me like she's judging me. "Wag mong lahatin." Sagot ko. "Sus! Sa ilang beses mong pag pabalik balik sa Hamilton, may kinaibigan ka na bang iba? Wala naman diba?" "Actually, meron." Nakangising sagot ko at pinanood na manlaki ang mata niya. Si Mirah na pinapanood lang kami habang nakikikain ay napatigil din dahil sa sinabi ko. "Totoo?" Medyo malakas ang boses ni Zai, ewan ko ba kung normal na yon sa kanya o ano. "Eh bakit hindi namin alam?" "Nung nakaraan lang kasi yon, nakalimutan ko nang ikwento." Kinuha ko yung gatorade na binili namin kanina kasabay nitong mga chips. "Babae, lalaki?" tanong ni Zai. "Lalaki." I smirked. Dahil don mukhang mas nakinig sila at inaabangan ang susunod kong sasabihin. Napailing nalang ako sa inasta nila, lalo na ni Zai. Mga babaita talaga. "Binigyan niya ako ng bottled water." Natatawang sabi ko. Agad naputo ng pag ka dismaya ang mga mukha nila, kaya mas natawa ako. "Pero hindi para inumin... binigay niya yon kasi nagyeyelo." Sabi ko pa pero mukhang wala paring pag babago sa mga reaksyon nila. "Ano naman ngayon kung nag yeyelo?" Bored na bored na tanong ni Zai. Grabe, ang OA ah. "That day nasampal kasi ako... ni mommy." sabi ko, doon na nag bago ang ekspresyon nila. Nagulat siguro sila, hindi naman nila alam yung nangyari nung lumabas na ko ng gym non. Hindi nalang muna ako nag kwento. "Ibinigay niya kasi namumula yung pisngi ko tsaka nakita niya daw yung nangyari." "Omg, ang sweet naman." "I have his handkerchief, isosoli ko yon pag nakita ko siya." "Binigyan ka rin niya panyo?" Tanong ni Mirah. "Hindi naiwan niya lang." "Sus, hina!" Singhal ni Zai. Natawa lang kami ni Mirah sa kanya. "Eh bakit siya nandon? Pag dating mo nando'n na siya?" "Sinundan niya ko para ibalik yung phone ko, nalaglag ko." "O to the M to the Gee! Gwapo?" Bumalik sakin ang itsura niya nong araw na yon dahil sa tanong ni Zai. Tumango ako. I tried to look casual kaya sinubukan kong pigilan ang ngiti ko pero naging dahilan lang yon ng mag pula ng pisngi ko... at sa huli, hindi ko rin napigilan 'yung ngiti ko. "Varsity." Sabi ko, imbis na sagutin yung tanong niya. "Weh talaga? Anong sport?" Pakikiusyoso niya pa. Wala nang nasabi si Heaven dahil sa bawat sinasabi ko, may sagot na agad siya. "Basketball." Tipid na sagot ko. "Talaga ba? Edi kilala yon ni Jaxon at Zedric malamang! At kilala ko rin syempre, pati ni Mirah." Umakbay pa siya kay Mirah. "Anong pangalan?" Pinsan rin namin si Jaxon at Zedric. Pati narin si Heaven, kaso nasa London siya ngayon. "Si Heaven yung gusto ko." naalala ko yung sinabi ni Z sakin nug time na 'yon. "Si Heaven daw yung gusto niya eh." Sabi ko nalang. "Eh bakit kailangang sabihin niya sayo!" Singhal bigla ni Zai. "Ano ba yan lahat kayo nag kaka-lovelife na!" Inis pang pagmamaktol ni Zai "Lovelife ka diyan!" Nag katinginan kami ni Mirah ng sabay naming sabihin yon. "Sus, mga indenial!" Inakbayan ni Zai si Mirah. "Alam mo 'tong si Mirah natin, may something talaga sa kanila ni Chester eh! Ayaw lang mag sabi nito sakin." Itanggal niya na rin ang pag kakaakbay niya ng matapos niyang sabikin yon. "Medyo masakit na nga eh." Humawak pa siya sa right side ng chest niya at umaktong nasasaktan. Gaga talaga. Nag kwentuhan pa kami tungkol sa ilan pang mga bagay bago namin namapg desisyonang umuwi na sa villlage ng around 6 pm. Uminom lang ako ng isang basong gatas sa kusina bago umakyat at nag shower para makapag palit na ng pang tulog. When i lay on my bed, i reminisce everthing that happend today. Because of that, i realized that i didn't cry a single tear today. Oo, sumasagi sa isip ko at nakakalungkot parin isipin pero nababawi rin lahat yon panandalian dahil sa mga ginawa ko kasama ang mga pinsan ko ngayong araw. I'm got busy learning new things and and having fun... Siguro nga tama sila daddy at kuya. But still, i feel guilty... Tumayo ako mula sa pag kakahiga at humarap sa pader. I stand facing the wall, just like what my mom used to tell me to do when i'm guilty of something... I'm sorry mom, i miss you...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD