Chapter 4 | Indeed

1991 Words
MONDAY. First day ko ngayon kaya maaga akong nagising at nag asikaso. Imbis na normal uniform ang isuot ko dahil monday ngayon, type B uniform ang pinasuot nila sakin. Tactical pants, white shirt at boots, tactical for boys and platform for girls.. Actually may pagkakahawig nga 'to sa suot ng mga totoong military. Naka tali ang buhok ko. Sa side thigh pocket ng pants ko inilagay ang badges ko, feeling ko kasi ang weird pag sa tshirt ko nilagay. Hindi daw kailangan ng i.d sa type b, badges lang kaya ang tanging suot ko ngayon sa leeg ko ay ang dog tag ko. Feeling ko parang gusto ko nang mag Armed Forces dahil dito sa suot ko, gano'n yung vibes na binibigay nitong uniform. But it's cool tho'. Hindi lang siguro ako sanay. Every monday may morning jog at exercise pala sila, kaya rin siguro ganito ang pinasuot samin. Kasama ko na ngayon ang mga pinsan ko, pag pasok namin sa gate ng field nakita ko agad ang nagkalat na mga studyante sa harap ng isang malaking stage. Tuloy tuloy lang sa pag lalakad ang mga pinsan ko at nakasunod lang ako. Umakyat sila sa stage at humarap sa mga studyante. "Attention all miliitary." Nilingon ko si Heaven na may hawak nang mic. San galing yon? Mula rito sa kinatatayuan ko kitang kita kung pano umayos at naging hilehilerang pila ang kaninang mga nagkalat sa studyante. They look like real soldiers. "Good morning." Bati niya. "Good morning SC!" Mabilis at sabay sabay nilang bati pabalik. "Our general will be here in a short time. Until then, show to our new fellow here your discipline." Nilingon niya ako. "Yes miss!" Bumalik ang tingin ko sa mga studyante dahil sa sabay-sabay nilang pag sagot. Okay, medyo iba nga ang school na 'to kumpara sa former school ko. Madalas akong mag emcee sa mga events dating University na pinapasukan ko at madalas talagang problema ang ingay ng crowd. Pero ngayon ko lang hiniling sa buong buhay ko na maka rinig ng kahit koting ingay mula sa crowd habang nasa stage ako... Masyado silang tahimik at hindi ka makakakita ng galaw ng galaw. Daig pa nila ang mga graduating students na nag papractice na ng graduation ceremony. Pati ako nahihiyang gumalaw dahil sa kanila, nakaka-pressure. Sinimulan kong isa isahin ang mga studyante para hanapin di Z pero hindi pa ko nakakatapos ng dalawang hilera naagaw na ni lolo at ng mga kasama niya ang atensyon ko. Pinanood lang siya ng lahat hanggang sa makaakyat sa entabladong kinatutungtungan naming mag pipinsan. He's wearing he's usual eye smile na talagang namang mapanlinlang. Mabait si lolo, sobra.. pero hindi mo gugustuhin pag nagalit siya. Sa lahat ng taong nakita ko kung pano magalit, kay lolo ako pinaka natakot. "Good morning military." Nakangiting bati niya sa mga estudyante. Nakahilera lang kaming mag pipinsan at nasa harapan namin siya. "First week of this month. October 1st, monday." "This day is very special to my heart dahil nakompleto na ang mga apo ko." Nakita ko siyang ngumiti sa mga estudyante lumingon sakin at inimostra ang kamay na lumapit sa kanya. Agad akong sumunod sa gusto niya at may sandaling nginitian siya bago itunuin ang paningin sa schoolmates ko. "Meet my eldest son's daughter, Xiavira Ralene Vaernes." Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako babati kaya nanatili lang akong nakatayo at nag aabang kung anong sasabihin ni lolo. "Do you wanted to say anything, Xiavira?" Agad ako napatingin kay lolo ng itanong niya sakin yon. Wala po. Taliwas sa isip ko, kinuha ko ang mic na iniabot sakin. I held the microphone tigher. "Hello, everyone. I'm very pleased to meet you all. You can call me Xia, let's get well along together." I smile. Umingay sila at nag palakpakan as their welcome for me. "I heard you wanted to join Archery?" Tanong ni lolo. Nakarating na yon agad sa kanya "Ah, yes." Mabilis na nag kaingay ulit ang mga students dahil sa sagot ko. Nginitian lang ako ni lolo at ibinalik ang tingin sa military. Mukhang magiging matunog nga ang pangalan ko dito. Ilang sandali lang ay tumahimik at umayos ulit sila ng mga tayo. They are like robots, este military pala. "I can see you'll be one of Hamilton's assets." Mahina kumpara sa normal na boses niyang sabi bago iminalik yon sa normal para kausapin ang mga studyanteng nas harap namin. "You know what to do if you want her in your team." I can clearly see his eye smile. Napansin kong nasa tabi na namin ang mga pinsan ko. Lumapit si Zai at may ibinulong kay lolo. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako jung ngumitinsi lolo at tumingin sakin. "Oh! About that." "Militaries, could you tell me what you think about this lady beside me?" "As you know our council is lacking for members, but none of you wanted to nominate anyone. But if you think this fellow of yours is deserving, feel free to nominate her." "But remember our rules and policies. I'll give you a month to observe her and if you think she fit in for a position in the council then, nominate her. But if not, then the student council will remain with four members.." "Good morning again! Have a great week." "I'll leave now, you know what to do." Baling ni lolo sa mga pinsan ko. "Xiavira, welcome again apo." I smiled at him in reply. "Six groups, Three laps!" biglang sigar ni Jaxon sa mga studyante pagkababa palang ni lolo sa stage. Agad naman anhiwalay yung crowd sa six groups at pumila ng maayos. They about-faced and the first group started jogging to the oval followed by the second group. Ang ganda nilang tingnan, sabay-sabay. Yung totoo, Military School ba 'to? Wait,ganto nga ba sa mga military school? Mukhang hindi naman, mas mahigpit siguro do'n. Pero grabe, ganto ba talaga dito? Tatlong beses na kong lumipat ng school pero dito ako may pinaka maraming tanong at ang pinaka nakakatawa pa don, school pa 'to ng sarili kong lolo pero hindi ko maintidihan! Sinasabi ko na nga ba na dapat dito ako mag umpisa ng high school eh. Pag katapos non, they started the jog and exercise. Umupo kami sa stage pag katapos. "Gusto mong sumabay?" Tanong ni Mirah. "Tinatanong pa ba yan? Dapat lang na sumabay pag first time!" Tumalon si Jaxon pababa ng stage at nag umpisang tumakbo papunta sa track. "Tara, habol." Sabi ni Zedric at tumalon din at humabol kila Jaxon. Bumaba na rin ang tatlo at sumunod sa kanila. Mabilid na nakahabol Zai at Mirah samantalanag nahuli ako, tapos ako pa yung pinaka pagod. Gosh, pwede pa ba 'tong ginagawa ko? Kung nandito si kuya, napagalitan na 'ko. Hinabol ko sila na nasa likuran na ng mga schoolmates namin, bumagal na ang takbo at naging jogging na nga. Hinihingal na ko pero sa tingin ko kaya ko pa naman. Nilingon ako ng mga pinsan ko nang makahabol na ko. "Masarap tumakbo sa umaga, diba?" Jaxon. "He always do this, magpapahuli para maka takbo." Sabi ni Mirah. Napailing nalang ako sa kanila at nag patulog sa pag jog. Sa tingin ko, mas makakabuti kung hindi nalang muna ako mag sasalita. Okay lang naman ang jogging pero medyo mahaba rin kasi ang tinakbo ko kaya ako hiningal. Ayos na rin 'to ilang araw rin akong ang hindi nakapag exercise. Nang makatapos na kami sa isang lap, bumalik na kami sa stage nila Heaven at Zai para samahan akong maupo. Samantalang si Jaxon at Zedric sumabay parin sa pag jog. "Ganyan talaga sila, hinahati nila ang mga military sa kung ilang laps ang gusto nila, buti nga ngayon tatlo lang. Minsan ginagawa pa nilang anim kaya tumatagal kami, lalo na pag wala sa mood si Jaxon. Siya talaga ang pasimuno, kunukunsinti lang namin." Sabi ni Mirah.. Inabutan ako ni Zai ng malamig bottled water. "San mo nakuha 'to?" tanong ko at inabot yon. "May kuhanan ng tubig sa likod ng stage." "Pinagawa talaga yon para sa mga gantong araw at pag may palaro. Libre ang tubig dito, yon ang utos ni lolo." Paliwanag niya "Nakita mo na ba si Z?" Tanong ni Mirah, umiling lang ako. "Hoy, Sinong Z?" Triggered naman si Zai, ayaw pa huli eh. "Iyon lang daw ang pinakilalang pangalan eh." Pag kasabi non ni Mirah, alam na niya agad. Tsk, para silang mga professional chismosa. "He's a weird guy." Nagtatakang sabi rin ni Zai tulad ng reaksyon ni Heaven nung malaman niya ang pangalang yon. "Yan din mismo ang sinabi ko kanina." "Pero naisip ko lang, mukhang bagay talaga kayo." Sabi sakin ni Zai "Pano mo naman nasabi?" "Xi, Z.. Xi, Z. Kuha mo?" "Ewan ko sayo." Mahinang sabi ni Heaven at napailing nalang. May nakita akong lalaking nag lalakad papalapit samin. "Guys, 10 o'clock." Agad na sabi ko at lumingon agad sila. "Chester!" Bati sa kanya ni Zai. "Xia, eto yung super duper ultra mega very close friend ni Mirah." Natatawang pakilala ni Zai kay Chester habang at nakakalokong tiningnan si Mirah. Nakangiting napatango nalang ako. "Hi, i'm Chester." Pag papakilala niya at lahad siya ng kamay. "Xia." Pagpapakilala ko rin at tinanggap ang kamay niya. "Napapasunod mo naman ang mga military, bakit hindi ka pumasok sa council?" Tanong ni Mirah. "Wala namang nag nonominate eh." Chester shrugged. "And i'm contented to my position." "Eto ang aga-aga pumupulitika na!" Sabi ni Zai kay Mirah. Tumawa lang ako at si Chester. "Sungit." Bulong pa ni Chester kaya tinaliman siya ng tingin ni Mirah. "Joke lang." Bawi niya rin agad sa sinabi niya at inakbayan si Heaven. "Iyan ang sinasabi ko!" Umikot pa si Zai bago humarap sakin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na, give them time alone." Malokong sabi niya, mahinang napatawa pa ko dahil sa inasta niya. Hihilahin niya na dapat ako palayo nang dumating ang mga pinsan naming nakikitakbo kanina. "Oy, nawala lang kami saglit may bantay-salakay na diyan!" Sigaw ni Jaxon dahil medyo malayo pa sila samin. Mabilis nilang minando ang mga studyante at pinag jog na ang huling dalawang grupo. Lumapit sila saamin nang wala ng ginagawa. "Okay ka na Xia?" Tanong agad ni Jaxon nang makalapit samin, tumango lang ako at ngumiti. "Inutusan kitang mag bantay sa military hindi sa mga pinsan ko." Sabi ni Zedric kay Chester na tumawa lang habang nakapa kamot sa batok. "Nanliligaw eh, ganon talaga!" Si Zai. "Nanliligaw ka?" Umaktong nagulat si Mirah sa narinig. "Oo. Sasagutin mo na ko?" Malokong tanong bamalik ni Chester. Inirapan lang siya ni Mirah at naglakad na papunta sa mga studyante na ngayon ay nakahilera na, inaantay nalang sila. Dinadaan pa sa asaran ang lambingan nila, too cliche. "Okay, good job everyone!" Hindi naka mic pero dinig na dinig ang boses ni Jaxon. "WE HAVE CHARACTER..." agad akong napalingon dahil sa malakas na boses ni Zai. "WITH HONOR!" The students continued in Unison. "TRAINED AND DISCIPLINED." "WE ACCOMPLISH.." Ngayon naman ay si Zedric. "WITH DIGNITY!" "WE WIN.." Eto na ata ang unang beses kong narinig na ganyan kalakas ang boses ni Heaven simula ng bumalik ako dito. "WITH PROWESS AND INTEGRITY!" "IN HAMILTON..." Jaxson. "WE ARE MILITARY." "WITH GREAT POTENCY AND SOLIDARITY." This time lahat na sila ang nag sabi non, ako lang ang hindi. "TRAIN! FIGHT! WIN!" I can't help myself but to be amazed to them. They look and sound like a real military, ready to any war. I feel like being part of Hamilton is like a new responsibility for me. Studying here means i am part of a military that needs to maintain the school's reputation and dignity. No turning back. Let's see if i have a character with honor...If i am trained and discipline enough... If i could accomplish with dignity.... if i could win with prowess and integrity... and if i could be truly part of this military with great potecy and solidarity... There are still a lot i need to learn.. indeed...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD