Chapter 5 | Wish Granted

2443 Words
Naglalakad kami, Oo naglalakad na naman kami.. we're on our way to our first class schedule. Si Zedric at Zai lang ang kasama ko ngayon dahil sa kabilang building sila Jaxon at Mirah. Double doors ang mga classroom dito, halos lahat naman ata ng pinasukan kong kwarto dito ay ganon. Hindi tulad sa school ko dati, hindi maingay ang mga hallway dito pag wala pa yung Lec. Tunog lang ng mga sapatos namin ang naririnig ko ngayon. Wala rin akong nakikitang naka tambay lang. Hindi naman sa nag rereklamo ako pero nakakapanibago lang. Masaya kaya sila dito? Kasi kami sa dati kong school masaya talaga lalo pag vacant. "Lagi bang ganto katahimik dito?" Tumawa si Zai "Nagpapakitang gilas lang 'yang mga yan." "Unang araw mo palang, tapusin mo 'tong buong linggo na 'to." Sa tingin ko, mula ngayon kay Zedric nalang ako mag tatanong. Pumasok kami sa Class H11-A. Nang tuluyan na nga kaming makapasok sa classroom, bumungad samin ang mga studyanteng tahimik lang na nasa kani-kanilamg upuan. Kanya kanya ang upuan at lamesa dito, hindi tulad sa highschool ko dati na Labaratory type ang table at hilera ang upo. Minsan napapaisip talaga ko, magkano kaya ang nagastos ni Lolo Edison dito? "Kita mo na? Nagpapakitang gilas talaga sila sayo." Bulong sakin ni Zai at sinukbit pa yung braso niya sa brado ko. Mahina ko lang siyang tinulak palayo. Dumeretso si Zedric papunta sa pinakalikurang helera ng mga upuan. Maglalakad na sana ako papanta ro'n ng biglang may bumati sakin. "Hi, miss Xia!" Nilingon ko siya. "Hi." Nakangiting bati ko pabalik. "You don't need to call me miss." Sabi ko pa sa lalaki. "Crush ka niyan." Bulong ulit ni Zai. Nakangisi na siya ng tingnan ko siya, inirapan ko lang siya. Hindi tulad kanina, medyo umingay na ngayon simula nung may isang nag salita sa kanila. Ayokong sabihin 'to pero mukhang tama nga si Zai. Nagtuloy na ko sa paglakad tungo sa upuan namin ng biglang may tumawag na naman sa pangalan ko pero sa pagkakataong 'to hindi ako tumigil sa paglalakad at nilingon siya. Agad na nabuhayan ang mata ko ng makita ko kung sino yon. "Rei!" Tawag ko sa kanya. Nakangiti naman siyang kumaway sakin. She's Rein, bur i call her Rei. Dahil apat na taon rin akong paulit ulit tumatakas kay mommy kapag free time ko para pumunta dito sa Hamilton, nakilala ko siya. We met just last year nung nag transfer siya dito, naliligaw ako no'n dahil ang laki ng Hamilton tapos nakasabay ko siya. "Siya ba yung Rei na kinukwento mo?" Tanong ni Zai sakin. "Yeah." Tumango ako "Ayos." Rinig kong sabi niya at natatawang tinapik si Zedric sa likod. Imbis na diretsohin ko nalang ang daan ko sa upuan ko, umikot pa ako para madaanan ang side ni Rei. "Lunch?" "Lunch." Sagot niya naman agad kaya mabilis na akong dumeretso sa upuan ko Mabilis lang natapos ang first half ng morning schedule ko, vacant time ngayon bago ang huling subject ko ngayong umaga dahil nasa conference daw 'yung Lec para sa susunod na subject. Wala rin 'yung mga pinsan ko dahil pinatawag sila ni lolo, in short mag-isa lang ako. Ang totoo medyo naiilang pa ako ng walang kasama. Dapat kasama ko ngayon si Rei kaso bigla rin namang nawala. Naglalakad lakad lang ako nang maalala ko yung garden sa tapat ng General's Building... nakita ko na 'yon nung friday no'ng pumunta kami nila Mirah at Zai dito pero hindi ko pa nakikita 'yung itsura sa loob. The thought of the garden in my mind attempts my urge to come, kaya iyon nga ang ginawa ko. Gustong gusto ko'yung landscape ng garden sa second square kaya malamang' mas maganda yung garden dito dahil bungad na bungad. After a kinda long walk, i found myself in front of the garden. I got even more excited when i hear the water splashing from the fountain. I amble looking to the entire place. Mas malawak at maganda mga dito... magaganda at malalago ang mga halaman, may mga bonsai rin. may kubo at may dalawang hanging chair pa para sa dalawang tao sa magkabilang side ng kubo bukod sa mga benches, mas ideal tong tambayan ng mga katulad kong prefer ang gantong paligid. Nilingon ko ang fountain, napangiti ako. May hanggang bewang na sementong nababalutan ng baging na halaman ang nakaharang sa side kung nasaan ang fountain. Hinanap ko agad ang daan at nakita rin sa bandang kaliwa ang maliit lang din na kahoy na gate. Nang makapasok hindi ko agad nalapitan ang fountain dahil nakuha ang atensyon ko ng mga mas magagandang halaman sa paligid nito. May mga malalaking puno rito hindi tulad sa may kubo na mga halaman at bonsai lang. Napansin ko rin ang isang kinabit lang na swing sa isang puno. Inaliw ko lang yung paningin ko hanggang sa waks, binalik ko ;yung tingin ko sa fountain at lumapit do'nu. Sinilip ako ang baba at may nakita anong mga barya. Hindi ako makapaniwala na sa tikas at tindig ng mga militar na yon, naniniwala rin pala sila sa ganito. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili kong naisip. Kumuha nalang ako ng barya sa wallet ko at nakangiting tinignan 'yon bago ihagis. "Welcome in Hamilton, Xia." Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko inaasahang makakakita ako ng ganto dito, wala namang mga barya ang fountain sa kabilang garden. Tumalikod na ko para bumalik sa nakita kong kubo kanina. "HOLY--!!" halos matumba ako dahil sa sobrang gulat. May lalaking nakatayo sa mismong likuran ko. Napasandal ako sa Fountain at humawak sa dibdib ko, hinahabol ko 'yung hininga ko, bahagya kong diniinan 'yung pwersa ng pagkakadiin ng kamay ko sa dibdib ko para pakiramdaman 'yung heartbeat ko. "Welcome in Hamilton, Xia." Nakangiting bati niya na parang walang nangyari. "Wish granted." Sabi pa niya. "Papatayin mo ba ko? Ikaw kaya 'yung patayin ko!" Sigaw ko sa kanya. "Woah, easy." He lift both his hands. "I did no harm." "Jerk." I scoffed indignantly. "Umh? I am?" tanong pa niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. I just glared at him in contempt. "Okay, i'm sorry." He said sincerely. I stand straight as soon as i catch up my breathe. "I almost die." I know i am exaggerating... kahit nagulat talaga ako at medyo kinabahan, okay lang naman ako. Pinapa-guilty ko lang siya. Pero mukhang walang epekto sa taong 'to. "I'm Rainer." He lend me his hand. I rolled my eyes yet still accept his hand. "Xia--" i cut off my words. "...vira Ralene Vaernes of Class H11-A in Gen. Vaernes blg.. Daughter of the eldest son of our respected General. Plays archery and a soon to be nominee as SC member. And the girl who gathered a lot of eyes and attention even before her first day as an official military of Hamilton. I know enough about you." I remained silent and kept a wary eye on him. "Do you enjoy watching me, i can't blame you though?" Proud na proud na sabi niya at nagpa pogi pa lalo. "You are nothing but a boy full of boast." I stated while i look at him disgustedly, kahit gwapo naman talaga siya. "I like your accent, you sound vicious." He commented smirking. "Why exactly you're here?" "I followed you." Sagot niya na parang iyon ang pinaka normal na tanong na narinig niya. "Sorry?" He followed me? "Forgiven." sagot niya at tumango pa. I hate this guy so much. "Anong sinabi mo?" I repeated, ignoring his humorless jest. "Forgiven?" He said unsure. "I have no time for this." Sabi ko at akmang aalis na pero hinarangan niya ko. "Ang sabi ko, sinundan kita." Sabi pa niya. "At bakit mo ko sinundan?" "Wala lang." Wala lang? May saltik ata ang isang 'to. "Joke lang." Bawing sabi niya habang nakangisi. Sinubukan ko pa ulit lagpasan siya pero hinaharangan niya lang ang lahat ng dadaanan ko. "Madalas kasi ako dito sa fountain, timing lang na nadito ka." His eyes are looking straight to mine. Hindi ko masabi kung kailan siya seryoso at hindi. Deretso ang tingin niya pero hindi parin naalis ang ngisi sa labi niya. "Mahilig kasi talaga ako sa mga basa." Makahulugan niyang sabi. With that i lost it, kung hindi niya ako pa ako padadaanin tatadiyakan ko talaga siya. Hindi ko gusto ang paraan ng pananalita niya. Tunulak ko siya pero agad din siyang lumapit, I glare at him. Ayokong mag mura pero kamura-mura siya. "Swimming Varsity kasi ako!" Natatawang sabi niya. Nauubos na ang pasensya ko. I glared at him once again before i take my step out. "Could you please stop glaring at me?" Dinig kong habol niya, dahil don mas binilisan ko ang lakad ko. "s**t---!" Natisod ako ng kung ano. Pero bago pa ako tuluyang bumagsak, naramdaman ko na ang mga kamay na humawak at umalalay sakin. Agad akong umayos ng tayo. Ano ba yan, wrong timing naman! "Wag ka kasi walk-out ng walk out." "E-eh bakit mo ko sinalo?!" Unti unting uminit at namula ang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman. "Alam mo kasi..." His smile makes me even more embarrassed. "Lahat ng nahuhulog, dapat sinasalo." Makahulugang sabi niya. Napipikon ko siyang tinignan, nakakagigil ang mga ngiti niya. "Go to hell." Madiing sabi oo bago tuluyang umalis sa garden na yon. "Kung anong kinaganda ng garden 'yon namang kinapangit ng unang memorya ko don." Mahinang sabi ko sa sarili ko bago mabilis na naglakad malayo don. Nang makabalik ako sa quadrangle, agad kong tiningnan ajg wrist watch ko. May 40 minutes pa. Napagdesisyonan kong pumunta nalang sa Library. Pag pasok ko, sakto namang nakita ko si Rei na mukhang palabas na. "Rei!" Nilingon niya ako agad. "Uy! San ka?" "Sa library sana." "Magbabasa ka o may hinahanap ka?" "None of the above?" Natawa siya sa sagot ko. "Sama ka nalang sakin." Sabi niya at hinila na ko. "Saan?" "Sa Garden." "Hah? A-ano wag na tayo don!" "Bakit naman? Maganda kaya don." "Alam ko." "Eh bakit ayaw mo?" "Sige sa Garden tayo, pero sa south." "Okay, sige." Pagsangayon niya pero halatang nagtataka siya dahil sa pagtanggi ko. "Tara, ikukwento ko sayo..." Sabi ko at ako na ang humili sa kanya. NAKAUPO kami sa bench dito sa garden sa south. Nakuwento ko na sa kanya yung lalaki kanina sa Garden sa tapat ng General's Blg. "Totoo, sinabi niya yon?" Tukoy niya sa sinabi nung lalaki na 'dapat lahat ng nahuhulog sinasalo.' "Mmh." Tumango ako. "Hindi naman masyadong nakakagulat." Casual na sa niya. I look at her confusedly. "Alam mo kasi, dati nang matunog ang pangalan mo dito. Eversince your first visit here, lagi nang inaabangan ang pag dating mo, lalo na tuwing sportfest." "Dahil pinsan ako ng SC members, na apo rin ng may ari?" She nod. "dalawa na 'yon." "May iba pa ba?" tumango agad siya. tinignan ko lang siya ng nakunot ang noo dahil hindi ko alam kung anong sinasabi niya. "Ano ba yan, dapat alam mo na 'yon!" "Hindi ko alam." Clueless na sagot ko. "Syempre maganda ka, mabait, approachable... agaw atensyon!" Sabi niya at parang nag bibilang pa sa daliri niya. "Alam mo, feeling ko nga mas dumami 'yung mga gusto sayo dahil kanina." Pinapakinggan ko lang mga sinasabi niya at hindi na sumagot. hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa sinabi niya. "Hindi mo ba alam na headline ka na dito nung friday palang?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hindi sinasabi ng SC sayo?" tanong niya ulit at umiling lang ulit ako. "Teka, sinabi ba sayo nung guy yung pangalan niya?" pag iiba niya sa usapan na parang bigla lang pumasok sa isip niya. Saglit pa 'kong napaisip bago tumango. "Oo." "What's his name?" She looked very curious and excited for some reason. "Rainer." "Raine--- wait, ano ulit?" biglang nanlaki yung mga mata niya at hinarap ako. "Rainer." ulit ko. "Sigurado kang Rainer at hindi Rai--- sigurado kang Rainer?" Nagulat ako sa kinilos niya, tsaka sino si Rai? Baka Rei, siya 'yon ah? "Oo." Sabi ko nalang. I focused my sight on her. Para siyang may gustong sabihin pero hindi niya masabi kahit pa tahimik lang siya at hinidi gumagalaw sa kinauupuan. I'm good at reading people kaya walang makakapagtago sakin ng kahit na ano, it's my forte to catch a fish by it's own mouth. Depende parin syempre kung gaano rin sila kagaling mag tago. "Kalokohan." Rinig ko pang bulong niya. Alam kong kilala niya kung sino man ang Rainer na yon kaya hindi na ko nag tanong. Wala akong pakielam kung anong koneksyon nila sa isa't-isa pero masasabi kong marami silang pag kakaiba. Mabait talaga si Rei at may pagka-hambog naman ang isang 'yon. "Anong mga sinabi niya sayo? Yung eksakto." Biglang lingon niya sakin. "Yung mga sinabi ko lang sayo." "Eh ano namang tingin mo sa kanya?" Napaiisip ako st umayos ng pinag krus ang mga braso ko. "Masyadog mayabang ang tono ng lalaking yon, halatang halata rin na mahilig siya mag buhat ng sarili niyang bangko." Sabi ko. Diretso ang tingin ko sa mga halaman pero nakita ko parin ang pag balingin niya ng tingin sakin. "May pagka manyak rin, babaero siguro yon." Dagdag ko pa. Wala na kong nararamdamang mata na nakatingin sakin, nilingon ko siya... Hindi ko alam pero nakita kong pasimple ngumiti siya habang tumatango sa mga sinasabi ko "Grabe, palala na ng palala ang mga lalaki." Umiling pa ko. "Pero hindi naman gano'n si Jaxon, maloko lang talaga at medyo lapitin ng away pero may respeto sa babae." Napatigil ako ng makita siyang uminom ng tubig. "Lalo naman si Zedric, suplado nga lang." Nagulat ako no'g bigla siyang masamid at naubo. "Hindi naman siya suplado, tahimik lang." Depensa niya. I smell something fishy. "Okay." Sangayon ko nalang at nagingiting tumango. "I met a guy lnga pala no'ong last sportfest dito." "Kita mo na, sabi ko sayo maraming may gusto sayo dito eh." Sabi niya. "By the way, may kilala ka bang Z?" Nagbabakasakaling tanong ko. "Z? Wala eh." Umiling pa siya. Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi ko pairn nakikita ang isang 'yon. Ang daya, dahil ako siguradong nakita na niya at ilang beses pa. "Rei. Pwede ko bang malaman 'yung code name mo?" "May team ka na ba?" Umiling ako. "Wala pa." "Wala ka pang natatanggap? Weird. Sabagay, unang araw mo pa lang naman tsaka wala ka pang kalahating araw dito." "Anong matatanggap?" "Mga letter invitation ng mga teams na gusto kang sumali sa kanila. Ikaw ang pipili kung saan mo gusto." "Nakasulat ba don 'yung mga pangalan nila?" "Code name lang." Sakto! 'yon naman talaga ang kailangan ko. Tumango ako. "Sige mag aantay ako." Let's see kung makikita ko ang code name niya do'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD