Another day, tuesday. But unlike yesterday, i woke up a little late today. Dahil narin siguro sa pagod.
As soon as i woke up, i start preparing myself for my second day in Hamilton. I'm already dressed, type A ang uniform ngayong araw hanggang bukas at type b na sa thursday at friday which is P.E uniform.
I grabbed my bag on my bed and noticed the envelopes from different teams.
kahapon nung naglagay ako ng libro sa locker ko eto yung bumungad sakin, buti nalang nagparulong ako kay Jaxon no'n.
Nakita ko na ang lahat ng labas ng envelopes at kung kani-kanino 'yon galing pero wala akong naiintindihan kahit isa, wala man lang akong clue kung saan ako dapat sumama. Their team names all nice and cool... kung may contest lang ng pagandahan ng team name, walang mananalo. Pero wag tayo mag salita ng tapos, para sakin lang naman yon.
Kuya called earlier at sinabing mag papadala siyang driver at sasakyan para kung may gusto akong puntahan, hindi ko na kailangang abalahin pa yung mga pinsan ko. Dumating narin kahapon ang mga hinire ni kuyang mga house helpers.
Dahil Ber-months na, 5:30 na pero madilim parin sa labas. Nagmamadaling bumaba na ko at nag dirediretso sa pinto.
"Xiavira, iha. Hindi ka ba mag aagahan?"
"Ah hindi na po, kulang na po ako sa oras."
"Aba'y siya sige. Mabuti nalang at binaghanda kita ng mababaon mo." Sabi niya at inabot ang dalang paper bag.
"Thank you, manang Luz."
"Good morning iha." She smile at me.
"Good morning po." Bati ko pabalik at binigyan din siya ng matamis na ngiti.
Pagkatapos nun ay punintahan ko na agad si MIrah na inabutan kong nag papasok na ng gamit sa kotse.
Nasa iisang subdivision lang kaming magpipinsan dahil gusto nila lolo at lola na magkakalapit kami at sasama kaming tatanda na pagpipinsan. Nahiwalay lang talaga kami nung nag highschool na ko dahil nasa manila yung Hospital namin at makakabuti para samin, sakin... na lumipat nalang muna sa Manila. Naiintindihan ko naman, nalayo nga lang talaga kami ni kuya sa mga pinsan namin.
"Good morning." Bati ko kay Mirah.
"Good morning." Sabi niya rin at isinarado ang backseat kung saan niya nilagay ang mga gamit niya. "Kumain ka na?"
"Not yet but manang Luz prepared food for me." Sabi ko at inangat ng bahagya ang bag na inabot sakin kanina ni manang Luz
"Let's go?" Aya niya at tumango naman ako.
Umikot na siya sa kabilang side at pumasok na. Bunuksan ko na ang pintuan at pumasok narin ako. Habang nasa byahe kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa sinabi ni kuya Xan na bibigyan ako ng kotse at driver pati narin ang tingin ko dalawang bagong dating na maid.
I remembered about the teams kaya nag tanong ako.
"Could you recommend a team for me?" I asked.
"You haven't choose yet? Bukas na ang first meeting ng teams na makakasama ka."
"I know. But i can't just choose. Of course i need to gather infos."
"Sabagay."
I didn't answer and wait for her to say something.
"I can't recommend a team, i don't want to be biased. But i can atleast give you an advice."
"Okay."
"Don't focused on the names. Focused on what can they offer."
Natahimik ako at pinag isipan ang sinabi niya. She's somehow right.
"Okay."
"Bakit ba kasi kailangan ng team at codename?"
"Kailangan nga 'yon tuwing field week." sagot niya.
"Para saan nga?"
"There's this game na laging ginagawa buong field week, eh basta ipapaliwanag sayo 'yon ng team leader mo sa meeting bukas."
"Anong codename mo?" Mabilis na tanong ko
"Not even the fox can trick me, couz." Nakangiting sabi niya.
I rolled my eyes. Nakakainis, makakaisa rin ako. Since i Iearned about that code name thing, parang gusto kong makahuli ng taong masasabi ang code name niya ng hindi sinasadya. Wala lang, gusto ko lang i-try 'yung challenge.
"Can you tell me more about the teams?"
"We are divided into two. The junior high and Senior." I nod agreeing. "Hiwalay din ang location ng field week nila, sa atin."
"So, etong seven teams na 'to nag bigay sakin ng letter sa senior lang?"
"Precisely."
"Ano pa?"
"Wala talagang code names dati, pero may mga gumamit na no'n as tactics pag field week. Nabalitaan ni lolo at nagustahan niya kaya sinuportahan niya na rin."
"Ako may tanong."
"What?"
"May balak ka bang mag major in History?" Biro ko. "About teams ang tinatanong ko, hindi history ng Hamilton."
"That only means, ayaw kong mag salita. Mas maganda pag naranasan mo ng sarili mo."
"Tsk, kaya nga nagtatanong para makapag ready eh."
Minutes passed and we reached Hamilton, Heaven pulled over sa drop-off at doon na ako pinababa dahil may dadaanan pa daw siya.
Dumeretso ako sa office ng SC sa fifth floor ng Lieutenant Cross building dahil alam koong nandon 'yung ibang pinsan namin.
Pag pasok ko sa loob inabutan ko si Jaxon at Zedric na may kausap na dalawa pang students.
"Sige na, okay na. Thank you sa pag report." sabi ni Jaxon sa kanilang dalawa nung nakita niya ako.
"Good morning, miss Xia." Sabay pa nilang bati sakin .
"Good morning." Bati ko rin sa kanila. "Xia nalang."
ngumiti sila kaya ngumiti rin ako pabalik. "See you around." sabi ko pa bago naglakad papunta sa mga pinsan ko na pinapanood lang kami.
inantay kong makaabas yung dalawang student bago ako humarap magtanong.
"Akala ko ba restricted tong fifth floor sa regular students?"
"Oo nga." sagot ni Jaxon.
"They came here to report something. That's excused, they have our permission." Sabi naman ni Zedric.
napatango naman ako, that's cool. They have the authority to give permission to students. ASana lahat, diba?
"Okay. Pero anong nangyari, ano 'yung nireport nila?"
"Kaninang umaga habang nagiikot kami, may nakita kaming mga violator, kaso hindi naman sila nakita lahat." Paliwanag ni Jaxon. "Nireport lang nung dalawang 'yon kung sino at ano yung nakita nils kanina.
"Aah." Tumango ulit ako. "Anong mangyayari sa students na nahuling nag violate?"
"Mmhh, depende sa ginawa nila." Simpleng sayo ni Jaxon at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Our uniform looks good on you." Lumapit siya sakin at inakbayan ako.
"Bababa na kami ni zedric, kailangan namin kausapin si miss Agnes para sa field week. You can stay here if you want." Sabi pa jiya.
"Tekax nakapili ka na ba ng team mo?" Tanong ni Jaxon tukoy sa mga team.
"Hindi pa." I shook my head pouting.
"Bakit hindi pa, bukas may meeting na ah?" Tanong niya.
"Exactly, bukas pa." Napalingon kami kay Zedric ng sabihin niya 'yon. "Instead na madaliin mo, tulungan mo nalang kaya.
"Batang 'to! Mas matanda ako sayo hoy!" Reklamo ni Jaxon.
"Alam ko." Zedric answered casually. "Kuya." Sabi pa ni Zedric.
Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.
"Sa canteen na tayo." Si Zedric.
"Nag text si Mirah, doon na daw tayo mag kita-kita dahil hindi ka pa daw kumakain." sabi pa niya sakin.
Pag dating namin sa canteen dinatnan na namin si Mirah at Zai na nakaupo na sa isang mahabang table at inaantay nalang kami.
"So..." Sabi ni Zai pag ka upo namin. "May code name ka na ba?"
"Wala pa." Sagot ko habang binubuksan ang bottled water ko.
inumpisahan ko na ilatag at ihanda yung pinabaon sakin ni manang Luz na pagkain.
"Magisip ka na, dapat pinagiisipanng mabuti 'yon." Sabi niya at kinuha ang tinidor ko para kumuha ng ulam ko. Walang paa-paalam ah, iba rin.
"Ano ba ginawa mo buong gabi?" Tanong pa niya habang ngumunguya. Babae ba talaga 'tong pinsan ko?
Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya at nag pagtuloy na sa pagkain, gutom narin kasi ako.
"Nasan na 'yung mga envelope?"
"Nasa bag ko, wait kukunin ko."
"Ako na." Pigil ni Jaxon sakin. "Kumain ka na diyan."
Kinuha niya 'yung mga invitation sa bag ko at ipinatong sa lamesa. Agad na nagumpisa siya pumili sa pitong letter na nakapatong sa lamesa. Pinanood ko lang siya habang tuloy parin sa pag kain.
"Okay, put these off the table." tinulak niya pabalik kay Jaxon yung abat na invitation at inurong palapit sakin 'yung tatlong natitira.
"I recommend these three, since i don't want to recommend just one team." Sabi niya at pinakita sakin ang tatlong napili niya.
"Kayo, ano sa tingin niyo?" Tanong ko kay Zedric, Jaxon at Mirah.
"I think i have to agree with Zai." Sagot ni Mirah.
"Hellions." Nabaling ang atensyon at paningin ko kay Zedric ng sabihin niya 'yon, inaasahan ko na rin kasi na baga sumangayon na din siya dahil sangayon na ang dalawa kong pinsan.
"Wala ba silang pinadala?" Tanong pa niya at sinilip ang mga natitirang envelopes na hawak na ni Jaxon.
"There's none. Kasama din talaga 'yon dapat sa choices kong i-recommend kung sakali." Sabi naman ni Zai
"Hellions?" Tanong ko.
"I heard, lahat sila lalaki. Baka hindi talaga sila nag sasali ng babae." Sabi ni Zai na hindi pinansin ang tanong ko.
"Sino ba sila?" Tanong ko pa ulit.
"They're my favorite team." Sagot ni Zedric.
"Team mo ba yon?" Tanong ko.
"I wish." Iling niya.
"What, then why?" I asked in confusion.
"Maraming humanga sa Hellions last year." Zai. "Mountain Province ang location ng field week last year. Nasa kalagitnaan ng last mission 'yung Hellions at Mystics, sila nalang ang natira sa 7 teams. Kung sinong panalo, sila ang mag to-top sa field week."
"Okay." Sabi ko nalang.
"Teka, hindi pa kasi ako tapos!"
"One of Mystics' member accidentally got injured and because of that, muntikan na siyang mahulog sa bangin. Instead na magpatuloy ang Hellions sa track, they help the Mystics. Ending, parehong team ang nanalo sa last year."
"Kilala niyo ba ang members ng Mystics at Hellions?" Tanong ko.
"Some." Zai.
"What do you mean, 'Some'?"
"There are members kasi na purposely hindi nag aanounce kkung saang team sila, example ang captain 'yung Hellions, walang may killala sa kanya bukod sa members niya."
"Pano yun?"
"Naka masked kasi lahat sa game na 'yon."
"Rule ba yun?"
"Hindi naman, nakasanayan nalang din siguro ng students."
"Nagagamit kasing tactic 'yon." Nilingon ko ang katabi kong si Jaxon at napatango. "Parang Code name lang, nagagamit as tactic. Mas mahirap kalabanin ang hindi mo naman kilala, diba?" Sabi pa niya. Napatango nalang ulit ako.
Niligpit ko na ang mga pagkain ko at humarap ng maayos sa kanila. "So, okay sa inyong tatlo 'tong tatlong na team na 'to?" Kinuha ko kay Zai yung apat na pinili niya kanina.
Nakita ko silang tumango. "Silang tatlo lang 'yung laging nagpapalitan sa top 3, kasama yung hellions. Palitan lang, taon- taon." Zai.
"Aconite, the dreads..." basa ko sa mga pangalan ng team na nakalagay. "... mystics."
Binuksan ko ang lahat ng yon, isa isa kong tingnan ang nga nasa loob at binasang mabuti.
Pero nakakasiguro ako na sa mga teams na'to rin nakabilang ang ilan sa mga pinsan ko. Hindi ko lang alam kung saan.
"Could you tell me more about these teams?" Sabi ko at inangat ang envelope ng Aconite. They has 12 members, at napansin kong puro bulaklak ang pangalan ng member nila. "This team?"
"They're more into traps." Zedric. "Kung hindi fieldweek, iisipin kong childish pranks ang ginagawa nila."
Tumango ako at inangat naman ang sa Mystics. They has 10 members too.
"Masasabi kong matatalino ang miyembro nila, pinagiisipang mabuti ang bawat galaw. Tahimik lang sila kaya hindi mo mapapansin kung hindi mo nga talaga bibigyang pansin."
"And this?" The Dreads. They has 10 members.
"Yan ang kaisa-isang team na kilala ang lahat ng member. Kilala sila sa mukhang bara-barang galaw lang pero may nakatagong plano pala. Marami nang naloko ang team na yan." Sabi ni Jaxon sabay tingin kay Zai.
"Kasalanan ko bang naloloko namin kayo, hah?" hamong tanong ni Zai kay Jaxon.
"Team mo 'yon?" tano ko kay Zai.
"Team Leader speaking." sabi niya at nag pacute pa.
"Eh pano 'yang apat na 'yan?" Tanong ko sa abay turo sa apat na envelope na hawak ni Jaxon.
"Ahh, this." Sabi nitmya at binaba sa lamesa yung isang envelope.
"Okay din sana 'to, kaso hindi sila makakasali sa field week this year kaya wag nalang."
Mirages.
"They topped once, this year lang sila hindi nakasama dahil kulang sila ng limang member."
"Bakit kulang?"
"Hindi naman kasi compulsory ang field week, sasali ang sasali at hindi ang hindi. At least may five members dapat ang bawat team para makasama sa field week."
"Unfortunately, nagsabay sabay ang hindi pag sama ng lima sa kanila kaya ganon."
"Pasaway kasi mga members nila."
"Hah?" Tanong ko.
"Sunod-sunod nahuli 'yung members nilang nag violate ng rule dito sa campus." Sssagot ni Mirah.
"Pero nag top na sila. Meaning, hindi rin sila biro." I muttered.
"Pero Hellions, Mystics at The Dreads talaga yung pinka nag babangga para sa first rank."
"Big deal ba kapag nag first sa rank?" tanong ko.
"Syempre." tumango pa si Jaxon.
"lahat ng man ng first rank big deal, acads man o sa laro." sabi pa ni Mirah.
"Isa pa, may mg amakukuhang priveledges 'yung mg to-top na team sa buong field week, bukod do'n may cash prize pa galing kay general." sa naman ni Zai.
Ah, kaya pala. Kahit ako nagkainteres din agad.
"Kaya rin maraming humanga sa Hellions. Instead na i-grab nila ang opportunity, they chose to help." Zedric.
Napangisi ako sa sinabi ng suplado kong pinsan. Mukhang dapat nga hangaan ang grupong yon, dahil napabilib nila ang antipatiko kong pinsan. Pero joke lang, suplado lang talaga.
I nod a little. "Okay, may napili na ko."
"Bilis ah."
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Wala ka pang code name, magisip ka na. Lalo na kung may team ka na." Sabi ni jaxon.
"Meron na." I let out a sinister smile.
"Agad?"
"Mmhh." tumango ako
Hindi tala ako sigurado pero malakaks ang kutob ko na naglalaro lang sa mga grupo na 'yon 'yung kinabibilangang grupo ng mga pinsan ko.
KASAMA ko ngayon si Rei na nag lalakad sa hallway ng building namin. Kakatapos lang ng last subject namin, wala naman masyadong nangyari ngayong araw bukod sa mga regular class at pag pili ko ng team.
Wala 'yung mga pinsan ko ngayon dahil nagpatawag nang meeting para sa council.
Napagtigil din ako sa pag lalakad nang huminto si Rei sa harap ng isang classroom at mukhang may sinisilip.
"Bakit?" Hindi napigilang tanong ko nang akala ko bubuksan niya ang pinto at papasok sa loob. Inangat ko ang paningin ko para makita kung anong klase ang papasukin niya. Class Y11-3A.
"Sabi niya sasama siya ngayon, tsk." Bulong niya pero rinig ko naman.
"Baka nakalabas na yun, nag overtime tayo ng ten minutes kaya malamang nauna na yon." Sabi ko kahit hindi ko kilala kung sinong hinaganap niya.
"Pero sabi niya sasabay siya ngayon." Inis pa niyang sabi. "Duwag talaga."
"Baka nag mamadali lang talaga kaya hindi ka na naantay."
"No.. he's intentionally avoiding me, moreover, he knew that i'm with you." Tingnan mo 'to, masyadong Judgmental. Malamang sa malamng sa mga kagaya niya ng uumpisa ang mga maling chismis.
"Kaibigan mo ba?" Tanong ko. Sasagot na sana siya pero hindi niya rin tinuloy pag lingon iya sakin na para bang ma na-realize siya.
"Kaaway?" Pag iiba ko ng tanong, sabi niya duwag.
"Hindi ko siya kaaway, pero hindi ko rin siya kaibigan. Basta ang alam ko lang fellow military natin siya pag nandito sa school, porket mas mataas ang ranggo niya, hah! Nakakainis talaga siya. Dalawang minuto lang naman ang lamang niya! Tsk, nakakainis ka talaga!"
"Hoy." Tawag ko sa kanya.
Hinarap niya akong nakasimangot. Hindi ako nag salita at tiningnan lang siya, kumapit siya sa braso ko bago ako naglakad ulit.
Ang lakas ng topak ng babaeng 'to.
Pangalawang araw ko palang dito pero parang, isang buong taon ko na siyang kasama. Komportable na kami sa isa't-isa, lalo na siya at kahit may pag kakaiba, nagkakasundo talaga kami.
Nang makarating kami sa canteen, bumuli lang kami ng pagkain at agad na umupo sa inupuan namin kanina ng mga pinsan ko.
Nag umpisa na kong kumain nang mapansin ko siyang nakanguso parin.
Gaya ng lagi kong ginagawa, hindi lang ako nagsalita at pinanood lang siya. Nakatingin langsiya sa pagkain niya habang matamlay na hawak 'yung chopsticks at nilalaro lang an gpagkain niya. Anong bang problema ng babaeng 'to?
"Rei." Tawag ko sa kanya pero mukhang wala siyang narinig. Malalim ba ang iniisip niya 'yun lang pero nag kakaganito na siya? Baka mag pakamatay na siya pag mas lumala 'yung problema niya, tss.
"Hoy, Rei!" Tawag ko ulit at mahinang kong hinampas ng kutsara 'yung plato niya.
"Oh! Bakit?"
"Sino ba kasi, crush mo?"
"Hindi ah!" tanggi niya agad.
"Oo nga pala si Zedric nga pala ang crush mo." tumatango ko pang sabi at sumubo.
"H-hindi 'no!"
Sus, nag deny pa.
"Eh bakit nauutal ka?" Natatawang tanong ko.
"N-nabulunan lang ako." Anong klaseng palusot yan.
"Okay." Sagot ko na lang.
"Nakapili ka na ba ng team?" Pag iiba niya ng usapan at nag umpisa naing kumain.
"Oo, pero secret muna."
"Ang daya!" I just shrugged and laugh softly. "Clue nalang."
"10 members."
Nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa, nalilito akong tiningnan lang siya. Ano na naman? "Alam mo bang dalawang team lang ang may sampung miyembro?" Nangingiting tanong niya.
Dalawa lang? Kung gano'n 'yung dalawang grupo lang na 'yon sa mga pinagpilian ko ang may sampung miyebro?
"Hindi na ko mag tatanong." Sabi niya pa at uminom ng tubig pag ka tapos.
nakagiti pa siya na parang naisahan ako.
"An--"
"Hep!" pigil niya sakin kaya hindi natuloy 'yung pg tanong ko sa kanya.
"Bawal ka ring mag tanong." sabi niya kaya wana na kong nagawa kundi magpatuloy nalang sa pagkain ko.
Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa garden kung saan kami unang nag kita at doon nanatili. Bago 'yung susunod na klase namin, pumunta na kami sa lockers para sana kuhanin 'yung mga gamit namin ng may hindi inaasahang sulat akong nakita sa Locker ko. Nagtatakang kinuha ko 'yon at binuksan.
Xia,
Yesterday,
i was just looking from afar with a very limited time...
Today,
i can gaze at you as long as i wanted...
I hope one of these days,
I could look straight in your eyes while i'm standing close in front of you...
The more i kept my eyes on you, the stronger i feel this unexplainable feeling i'm having towards you...
Welcome to Hamilton...
R.E.D
I'm lying on my bed staring at my ceiling thinking about thet letter i received unexpectedly from... R.E.D .
Nag tanong na ko kay Zai pero ang sabi niya, baka daw codename 'yon. But for me, it more like initials of a name than a codename.
I kept the letter to myself, i know Rei would exaggerate if i showed it to her. Tumayo ako sa pag kakahiga ko at kinuha ko ang letter naninipit ko sa notebook ko. Unulit kong basahin 'yon at pinagaralang mabuti ang penmanship ng sumulat, kung kanino man galing 'to mukhang magaling ang kamay niya.
R.E.D. Ulit kong basa sa pangalang 'yon na binigay niya.
It's not that it's my first time receive something like this but, pakiramdam ko sobrang familiar ng pangalan na 'to.
I don't know if it's just curiosity but i really wanted to meet who write this letter. Maybe i wanted to clear that he's not someone else.
Speaking of that someone, i haven't seen Z again since last time we met. Sabagay, dalawang araw palang naman ako sa Hamilton.
Noong gabing yon, nakatulog ako habang iniisip kung ano pwedeng mga magyari sa mga susunod ko pang araw sa Hamilto lalo n't kinabukasan na ang unang meeting ng mga team para sa field week.
Walang luha, walang pag tayo sa harap pinto o ano pa. Tama nga si kuya, mas makakabuti nga siguro para sakin na nandito dahil kung nasa manila ako at mag-isa, pagod sa pag iyak lang ang makakapag patulog sakin. Kailangan ko lang libangin ang sarili ko sa pag kilala ng mga bagong tao na magiging parte ng buhay ko at paligiran ng mga taong malalapit sakin tulad ng mga pinsan ko, ng pamilya ko...
WEDNESDAY. Tapos na ang mga dapat gawin ng mga pinsan ko at ngayon kasama ko parin sila dito sa loob ng Gen. building, dahil gusto daw ako makausap ni lolo.
Sila na ang nag bukas ng pintuan para sakin, akala ko papasok rin sila kaya deretso lang ang lakad ko pero mukhang mali ako. Narinig ko ang pag sarado ng pinto ngunit hindi ako lumingon, mas mabuti na kung eto ang gagawin ko. Ngumiti ako kay lolo at bumati ng magandang umaga. Naupo ako sa upuan sa harap ng malaking lamesa sa harapan niya.
Ang totoo kinakabahan ako sa di malamang dahilan, sa tingin ko kasi may sasabihin siyang hindi ko magugustuan.
Hindi rin ako nag tagal sa loob ng opisina ni lolo lumabas at lumabas na maaliwalas ang mukha, mukhang nagkamali ako ng kutob.
"Anong sabi?" Bungad na tanong sakin ng pinakapaborito kong pinsan, si Jaxon.
"Sasayaw ako sa lunes." Nangingiting sagot ko.
"Sabi na eh!"
"Ganon talaga dito, lahat ng bago ginagawa yan. Nasakto lang na mag isa ka lang ngayon, dahil kalagitnaan na ng taon." Sabi ni Zai.
"Solo lang?" Tanong pa ni Jaxon.
Ang totoo, sabi ni lolo ako na ang bahala sa gussto kong gawin, basta makapag perform lang ako sa Lunes.
Naisip ko agad na humungi ng tulong kay Zai. Dahil nasabi niya sakin dati na siya ang naghahandlle ng Cheer and Dance squad ng Halmilton
"Zai." Tawag ko kay Zai at makahulugang ngumiti.
sinabit ko agad yung braso ko sa braso niya.
"Hala ka, nag lambing na." natatwwang sabi ni Jaxon kaya sinamaan ko agad siya ng tingin at sinubukang sipain sa binti, pero syempre biro lang naman 'yon kaya hinayaan ko siyang umilag.
Binalik ko 'yung tingin ko kay Zai na pinapanood lang kami at ngumiti sa kanya.
"Zaiii." I tried to sound cute as the best that i can ang smiled at her sweetly. "Patulong."